Press "Enter" to skip to content

Paano Mo Nagawa Yan? Isang Ina, Tinuldukan Ang Buhay Ng Kayang 3 Anak Sa Camarines Norte

Tinuldukan ng isang Ginang na dumaranas raw diumano ng post-partum depression ang buhay ng kanyang 3 anak. Ito ay matapos nyang pagtatagain ang mga kawawang paslit noong Miyerkules ng umaga sa Basud, Camarines Norte.

Ang pagpatay

Ayon sa paunang ulat ng Basud Police, patay ang 3 bata matapos pagtatagain umano ng kanilang ina. Naganap ang karumaldumal na krimen ng umaga nitong Miyerkules sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Natagpuan umano ang mga duguang biktima ng kanilang ama sa loob ng silid ng kanilang bahay. Ito ay mga bandang alas-10 ng umaga.

Ang dahilan

Ayon pa sa pulisya, dumaraan sa post-partum depression ang 28 taong gulang na ina. Sinaksak din umano nito ang kanyang sarili.

Paano Mo Nagawa Yan? Isang Ina, Tinuldukan Ang Buhay Ng Kayang  3 Anak Sa Camarines Norte 4
Pasada Rinconada Camarines Sur

Ito ay matapos ang pananaga niya sa kanyang mga anak gamit ang isang bolo. Kasalukuyan ng ginagamot ang suspek sa ospital dahil sa tama sa kaniyang tiyan.

Ang mga biktima

Dagdag pa ng mga pulis, ang mga biktima ay mga nasa edad na 5 taong gulang, 1 taong gulang, at 4 na buwan. Naisugod pa diumano ang mga ito sa ospital, ngunit kinalaunan ay binawian rin ng buhay. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari.

Paano Mo Nagawa Yan? Isang Ina, Tinuldukan Ang Buhay Ng Kayang  3 Anak Sa Camarines Norte 5
Pasada Rinconada Camarines Sur

Bisitahin ang Pinasbalita.org para sa karagdagang impormasyon sa balitang ito at sa mga bagong balita dito at sa labas ng ating Bansa.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: