Press "Enter" to skip to content

Pabonaan: ‘Agrillennial’ Na Paraan Ng Pagpinta ng Berde Sa Baryo

Sa lungsod ng San Carlos, ginawang mas mahalaga ng mga kabataan kanilang oras kaya kinulayan nila ang kanilang sariling mga hardin ng mga berdeng dahon ng mga gulay at halaman.

Ang naganap na patimpalak

Bilang sagot sa panawagan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Balaya sa San Carlos City, 68 na kabahayan ang lumahok sa “PABONAAN” For the 2nd Bloom: An Ingenious Backyard Gardening Program and Competition.

Pabonaan: 'Agrillennial' Na Paraan Ng Pagpinta ng Berde Sa Baryo 2
Photo Source: Brgy. Balaya SK and KK Facebook Page

“Pag-recycle, kabuhayan at paglikha ng oras para sa pamilya,” iyon ang ibig sabihin ng ‘hitting two birds in on stone’ para sa mga batang pinuno na pinamunuan ni SK Chairperson Alexandre Doria, habang nagsimula sila ng backyard gardening program and competition nitong Abril.

Layunin ng patimpalak

Sabi ni Doria, “Ang SK ay nagkaroon ng pang-agrikulturang kompetisyon para lamang sa ating mga residente sa ating barangay upang sa gayon ay magkaroon ng oras sa paghahalaman ang kabataan kasama ang buong pamilya at hindi lamang inilalaan sa social media o paglalaro ng online games ang kanilang oras habang umiiral ang community quarantine.”

Pabonaan: 'Agrillennial' Na Paraan Ng Pagpinta ng Berde Sa Baryo 3
Photo Source: Brgy. Balaya SK and KK Facebook Page

Ayon kay Doria, ang backyard gardening program, na nagsimula noong Abril 27 at natapos noong Hunyo 14, ay isang programa ng Barangay Balaya SK na target ang mga kabataan sa isang ‘resourceful’ at ‘innovative’ na pamamaraan ng backyard gardening dahil naglalayon itong magtanim sa mga batang kaisipan ng “kabataan” ang kagandahan at pakinabang ng agrikultura.

Sa pagkakaalam na ang supply ng tulong ng gobyerno para sa lahat ng mga residente ay limitado, sinabi ni Doria na naglalayon din ang programa na makahanap ng isang epektibong solusyon para sa pangangailangan ng pagkain para sa bawat pamilya sa kanilang barangay sa panahon ng pandemiya.

Dagdag pa niya, inilaan din nito na itaguyod ang passion ng kanilang mga nasasakupan, at samantalahin na ang kanilang pamayanan ay isang pang-agrikulturang barangay.

Sa panahon ng ‘PABONAAN’ Backyard Gardening Program and Competition, ang mga opisyal ng barangay at SK ay namahagi ng mga hybrid na binhing gulay tulad ng petchay, ampalaya, talong, kamatis, sitaw at kalabasa.

Mga nagwagi

Mula sa 68 na mga kalahok na sambahayan, ang mga kalahok ay kumonti sa 30 finalists at mula sa kanila; ang isang media’s choice award ay pinili kasama ang siyam na magagandang hardin ay inihayag bilang mga nagwagi noong Hunyo 17.

Ang mga residente na may pinakamataas na puntos na nakakuha noong panahon ng kumpetisyon ay nakatanggap ng mga sertipiko at papremyong pera na nagkakahalaga ng P4,500 para sa kampeon o first placer; P3,000 para sa second placer; P2,000 para sa third placer; at P1,500 bawat isa para sa fourth hanggang ninth placer; habang ang Media’s Choice Awardee ay nakatanggap ng P1,000 at sertipiko.

Pabonaan: 'Agrillennial' Na Paraan Ng Pagpinta ng Berde Sa Baryo 5
Photo Source: Brgy. Balaya SK and KK Facebook Page

Ang mga nagwagi na may pinakamataas na puntos ay ang mga sumusunod:

Angelica David (96.17pts)- kampeon
Virginia Paragas (95.67pts)- 2nd placer
Angeline Resuello (93.67pts)- 3rd placer at Media’s Choice Awardee na may 2,011 heart reacts
Shaider Directo (93.00pts)- 4th placer
Thelma De Guzman (92.50pts)- 5th placer
Arnel Castro (91.67pts)- 6th placer
Mercedez De Guzman (91.67 pts)-7th placer
Mark Walden Lopez (90.67)- 8th placer
Marivic R . Cancino (90.33 pts)- 9th placer.

Sa pagpapahayag niya ng kanyang pagbati sa mga nanalo, ipinahayag ni Doria ang mainit na pasasalamat sa pakikilahok ng mga residente at kooperasyon para sa tagumpay ng programa.

“Nawa’y hindi rin po ito ang huling araw ng aming programa para sa inyo, bagkus nawa’y magsilbi itong panimula at maging parte ng ating pang araw-araw na pamumuhay,”Sabi niya.

Bukod sa backyard gardening program, nagbigay din ang SK Balaya ng mga relief goods at coronavirus disease 2019 (COVID-19) information materials sa kanilang mga nasasakupan na pinondohan ng realigned budget ng SK para sa Disaster Preparedness and Management Training and Seminar, supplemental appropriation at donations mula sa mabuting samaritans.

Ang Pabonaan, mula sa salitang-ugat na “mabona”, ay isang salitang Pangasinan na nangangahulugang mayabong o “malago” sa Filipino. Ang Agrillenial ay pinagsamang mga salitang ‘agricultural’ at ‘millenial’.

Source: Philippine Information Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: