Press "Enter" to skip to content

Pabuyang $5,000 Ni Ryan Reynolds Para Maibalik Ang Ninakaw na Teddy Bear ng Isang Pinay

Nagbigay ng pabuya ang sikat na aktor ng Hollywood na si Ryan Reynolds sa sinumang makakakita at makakapagbalik ng nawawalang teddy bear ng 28 anyos na si Mara Soriano na isang pinay sa Vancouver Canada.

Tulong mula kay Ryan Reynolds at ng media

Marami ang naantig sa nangyari kay Mara at halaga ng teddy bear sa kanya kaya sunod-sunod ang tulong ang dumating sa kanya. Ang ilang CBC reporters ay dumulog sa social media upang tumulong hanapin ang teddy bear.

Nitong Hulyo 26, mula ng magviral ang kwento ni Mara, ang bida ng Deadpool ay nag-alok ng pabuyang $5,000 sa sino mang makakapagbalik ng ligtas sa nawawalang teddy bear.

Photo Credit: Ryan Reynolds

Nagpost Reynolds sa social media ng kanyang pabuya para lang maisauli ng ligtas ang nasabing teddy bear. Tumugon naman ang kanyang mga followers at higit pang kumalat sa social media paghahanap sa teddy bear.

Si Mara at ang teddy bear

Ipinanganak sa Pilipinas si Mara. Siya ay siyam na taong gulang noon ng lumipat at nanirahan sa bansang Canada kasama ang kanyang pamilya. Ang teddy bear lang ang tanging huling alaala ni Mara sa kanyang ina.

Gamit ang teddy bear nag-voice record ang ina ni Mara. Noong Hunyo 2019, namatay sa cancer ang ina ni Mara sa edad na 53. Nasa loob ng teddy bear ang huling boses ng ina ni Mara noong malakas pa ito.

Ani pa ni Mara

At hospice her voice was different. Much softer. Not the mom I grew up with,

That bear is the last memory I have of her speaking in her normal voice.”

Mula sa voice record ng ina ni Mara

Hi ate Ma. Mahal na mahal kita. Ok, remember that.

Photo Credit: Mara Soriano

Pinakikinggan ni Mara ang voice record sa tuwing nalulungkot ito. At marami sa mga naantig sa kwento niya ang nadarama ang kanyang pangungulila sa kanyang ina.

Ani ni Mara

It’s a reminder of home

The bear has a message in it in Filipino. It says ‘I love you,’ but in our language. So it’s very specific and very unique.

Magnanakaw ng teddy bear

Naglilipat ng apartment sa Vancouver, Canada sina Mara at ang kanyang kasintahan sa bagong apartment noong Biyernes Hulyo 24 ng mawala ang kanyang backpack.

Photo Credit: Mara Soriano

Nagreport na sa pulisya si Mara upang mabawi ang ninakaw na bag at ang kanyang teddy bear. Naalala pa ni Mara kung paano nawala ang kanyang bag. Nagbababa sila ng gamit mula sa van ng U–Haul kasama ang kasintahan nang tumawag ang kanyang kaibigan.

Ang kaibigan ni Mara na dapat ay tutulong sa paglilipat ay nabangga ng van sa di kalayuan sa apartment nila. Sa pagkataranta inilapag ni Mara ang kanyang bag sa tabi ng van ng U-Haul upang mapuntahan ang kaibigan.

ryan reynolds
Photo Credit: INQUIRER.net

Inuwi niya ang kanyang kaibigan sa bahay nito. Dahil walang nagbabantay ay nanakaw na ang bag ni Mara. Nakapaloob sa kanyang backpack ang mga importanteng dokumento at ang kanyang teddy bear.

Naglalaman ang bag ng mga dokumento tulad ng citizenship card, passport nilang magkasintahan at social insurance cards. Di na inaalala pa ni Mara ang iPad at Nintendo Switch na kasama sa bag basta mapabalik lang ang kanyang teddy bear.

Narito ang kabuuang mensahe na nakapaloob sa teddy bear ni Mara.

Video Credit: Liam Britten

Narito ang kuha ng cctv sa taong nagnakaw ng bag ni Mara

Video Credit: Mara Soriano

Narito pa karagdagang datalye ng kwento

Video Credit: CBC British Columbia

Source: INQUIRER.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: