Press "Enter" to skip to content

PACC: Korapsyon Sa PhilHealth Umaabot Ng 3Bilyon Kada Linggo. Morales, Isinasangkot Sa Katiwalian

Manila, Philippines – Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica sa Senate Hearing ngayong Martes, mula ulo hanggang paa ang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Katiwalian ni Morales

Ibinulgar ni Belgica sa pagdinig na nagpapalabas ang stat-insurer ng P3 bilyon kada-linggo na “exposed to corruption.”

PACC: Korapsyon Sa PhilHealth Umaabot Ng 3Bilyon Kada Linggo. Morales, Isinasangkot Sa Katiwalian 2

Ani nito,

“Madami na kaming inimbestigahan, kinasuhan, pinatanggal at pinakulong, Pero ang isyu ng PhilHealth, grabe po ito. Grabe ang nakawan, grabe ang kakapalan, grabe ang kawalanghiyaan.”

Sa pag dinig sa Senate Hearing, sinabi ni Belgica na ang Philhealth President at CEO na si Ricardo Morales ay dapat sibakin dahil sa malawakang katiwalian sa loob ng ahensya.

Ayon sa kaniya,

“Kung si General Morales po ay hindi aalisin, hindi po maalis ang problema, dahil mula ulo hanggang paa ang corruption sa PhilHealth.”

Katiwalian sa loob

Nauna nang inirekomenda ng PACC ang pagpapatalsik at pagsasampa ng kaso sa 36 opisyal ng PhilHealth dahil sa mga sinasabing iregularidad. Ayon sa natuklasan ng PACC na naisasagawa ang mga insurance fraud dahil sa kakulangan ng transparency at balidasyon ng mga claim ng miyembro at health care providers (HCP).

PACC: Korapsyon Sa PhilHealth Umaabot Ng 3Bilyon Kada Linggo. Morales, Isinasangkot Sa Katiwalian 3

Ani nito,

“Ito ang unang isyu na kailangan nating i-address ngayon dahil P2 billion hanggang P3 billion ang inilalabas ng PhilHealth linggu-linggo ay exposed sa corruption.”

Idinagdag pa ng PACC na malimit lang umanong nagsasagawa ng random post-audit ang ahensya dahilan para maging imposible na ang pag-audit sa bawat claims.

Wika nito,

“Ang issue ng PhilHealth ay issue ng bawat Pilipino, dahil ang mandato nito ay siguraduhin na tutulungan tayo sa mga bayarin sa ospital kapag tayo ay nagkasakit.”

Giit ni Belgica,

“Kung grabe ang sakit ng Pilipino, mas grabe ang sakit ng PhilHealth. Kawawa po ang Pilipino.”

Baguhin ang sistema

Suhestyon sa huli ni Belgica para mawala na ang fraud sa PhilHealth na palakasin ang IT at legal system ng state-insurer.

Ani nito,

“Dahil sa nakawan, namimeligro tayo na mawalan ng pondo. Paulit-ulit ang imbestigasyon pero walang nababago. Ang imbestigasyon at resulta nito ay dapat umabot sa ugat ng problema, hindi pwedeng ulo lang. Kailangan lahat hanggang baba makasuhan, maparusahan, at mapalitan lahat.”

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: