Press "Enter" to skip to content

Padala Pa More! Isang OFW, Pineperahan Lang Raw Ng Karelasyon Sa Pinas

Isang anak ang lumapit kay idol Raffy Tulfo upang matulungan ang kaniyang ama na isang OFW. Ayon sa anak, pineperahan umano ang ama niya ng karelasyon nito sa Pilipinas.

May karelasyong iba

Ang reklamong ito ay nagmula kay Nicole Anne Dela Cruz na anak ng OFW na si EJ Ramos laban kay Gretchen Macinas. Ayon kay Nicole, nais niya umanong matigil na ang pang-hihingi ng pera ni Gretchen sa kaniyang tatay na si EJ. Giit ni Nicole, niloloko lang umano ni Gretchen ang kaniyang ama kung kaya’t kung maaari, nais niyang maibalik ang mga pera, gadget, at iba pang kagamitan na naibigay ng kaniyang ama rito.

Padala Pa More! Isang OFW, Pineperahan Lang Raw Ng Karelasyon Sa Pinas 2

Nang tanungin ni idol Raffy kung paano nasabi ni Nicole na pineperahan ni Gretchen ang kaniyang tatay, sinabi ni Nicole na napag-alaman nila noong December 2019 na mayroong kinakasama si Gretchen.

Ginagatasan

Sinabi din ni Nicole na ang lahat umano na ipinapadala ng kaniyang ama ay ginagamit ni Gretchen at ng kaniyang karelasyon upang pang-gastos sa bahay at kung minsan ay pang-hotel.

Padala Pa More! Isang OFW, Pineperahan Lang Raw Ng Karelasyon Sa Pinas 3

Pinatotohanan naman ang lahat ng ito ni EJ. Nalaman umano niya na totoo lahat ng ito ng dahil sa kinontak siya ng karelasyon ni Gretchen. Nang makita niya umano ang Facebook account nang karelasyon nito, napag-tanto niya na ang pinapadala niyang pera kay Gretchen ay napupunta sa pamilya ng lalake.

Minahal niya

Hindi naman itinanggi ni Gretchen ang lahat ng ito, ngunit sinabi niya na hindi naman ito ang kaniyang intensyon. Ayon pa kay Gretchen, minahal niya naman raw si EJ at matagal na raw niyang hiniwalayan ang kaniyang karelasyon.

Marupok

Pinayuhan naman ni Nicole ang kaniyang ama na tigilan na ang pagiging marupok. Sinabi niya na andiyan naman umano silang mga anak at mga apo nito na totoong nagmamahal sakaniya. Sumang-ayon naman rito si idol Raffy. Ayon sakaniya, ang pamilya ang totoong magmamahal sayo, may laman man o wala ang iyong bulsa.

Panuorin rito ang video:

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: