Press "Enter" to skip to content

Pag aaral Para Sa Gagawing Tulay Sa Panguil Bay Sinisimulan Na!

Sinisimulan na ang proyektong Panguil Bay bridge sa Lanao del Norte. Ayon sa mga malapit rito, isa itong magandang proyekto sapagakat mapapabilis na ang mga transaksyon mula sa magkabilang lalawigan na nasasakupan nito.

Panguil bay bridge

Tubod, Lanao del Norte Pilipinas-  Sinusuri ngayon ng mga Geologist ang lalim ng Panguil Bay, ito ay dahil sa nalalapit na pagtatayo ng 2 lane Bridge na magkokonekta sa bayan ng Tubod, lalawigan ng Lanao del Norte at tangub City lalawigan sa Misamis Occidental. Ang proyektong ito ay tinatayang nagkakahalaga ng 7.4 bilyong piso.

Pag aaral Para Sa Gagawing Tulay Sa Panguil Bay Sinisimulan Na! 2
Photo Credit: Department of Public Works and Highways

Ayon sa isang pinuno ng mga Geologist mula sa Geotechnics Philippines Inc na si Ricky Cariquez, ang bathymetry survey na sinasagawa o ang pag-aaral ng lalim ng sahig ng karagatan ay nagsimula na noong biyernes. Ito ay upang malaman ang kalagayan ng dagat at iba pang underwater features ng Panguil Bay.

Tulong ng south korean firms

Ang Namkwang- Kukdong- Gumwang Construction, isang joint venture ng tatlong South Korean firms, ay nagsagawa ng survey para sa proyektong tulay. Inaasahan na mababawasan na ang oras ng transportasyon, sa pagitan ng tubod at tangub. Ito ay gumugugol ng dalawang oras na paglalakbay, ngunit sa ilalim ng proyekto ay magiging 7 minuto na lamang.

Pag aaral Para Sa Gagawing Tulay Sa Panguil Bay Sinisimulan Na! 3
Photo Credit: Inquirer.net

Sa tulong ng mga scuba divers ng Philippine Coast Guard at mga auxiliaries, gumamit ng bathymetry instrument para ma survey ang dagat. Nag lagay din sila ng weather station upang ma determine ang bilis ng direksyon ng hangin at mga devices na susukat sa lebel ng dagat, ayon Kay Cariquez.  Ang mga aparato ay makukuha pagkatapos ng 15 araw, at pag aaralan ang mga data bago gawin ang tulay.

Mabilisang transportasyon at transaksyon

Ang proyektong tulay ay pinondohan ng Official Development Asssistance ng South Korea. Matatandaang pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ground breaking ceremonies noong Nobyembre 28, 2018. Ayon pa kay Cariquez, inanasahan na matatapos ang proyekto sa loob ng tatlong taon, ang proyektong Panguil bay bridge ay tinatayang may habang 1.9 na kilometro.

Pag aaral Para Sa Gagawing Tulay Sa Panguil Bay Sinisimulan Na! 4
Photo Credit: Department of Public Works and Highways

Ang tulay na ito ay mag dadala ng magandang economic activities ng Lanao del Norte at Misamis Occidental, dahil mapapabilis nito ang mga transportasyon ayon sa mga Mindanao Business man at ilang mga Political leaders.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: