Press "Enter" to skip to content

Pag Angkas Sa Motorsiklo, Papayagang Muli. Ilang Kondisyones, Alamin!

Manila, Philippines – Papayagan na ang pag-angkas sa motorsiklo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) kung ang pasahero ay isang essential worker, ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.

Pag lilinaw

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Eleazar na dahil ito sa limitadong public transportation sa MECQ areas.

Pag Angkas Sa Motorsiklo, Papayagang Muli. Ilang Kondisyones, Alamin! 2

Ani niya,

“Kagabi po nagkaroon ng pagpupulong ang national task force at ako po ay naimbitahan doon kasama ang mga city mayors at nagbigay po ng guideline ang NTF through Secretary Delfin Lorenzana and Secretary Eduardo Año.”

Dagdag pa niya,

“Papayagan na po under MECQ ‘yun pong back-riding dahil nga suspended ang public transport only dito po sa mga, kung ang backride natin or itong ating pasahero o tinatawag nating angkas is an essential worker o APOR.”

Safety barriers

Dagdag pa ni Eleazar na dapat ang mga motorsiklo ay magkaroon ng safety barriers para masiguro ang proteksyon ng drayber at pasahero. Iginiit din nito na hindi na rin kailangan na mag-asawa o magkamag-anak ang aangkas sa motor.

Pag Angkas Sa Motorsiklo, Papayagang Muli. Ilang Kondisyones, Alamin! 3

Pahayag niya,

“Ngayon siyempre andoon pa rin ‘yung barrier na required doon at saka pati ‘yung motorsiklo ay dapat po ay privately-owned, hindi siya for hire. ‘Yung travel na ‘yun dapat hindi siya inupahan.”

Pag payag

Iginiit pa ni Eleazar na dahil sa kakulangan ng transportasyon, maari ng sumakay ang sinumang APOR at magpahatid sa lugar kung saan ito naka duty.

Aniya,

“Regardless kung APOR o di APOR ang maghahatid sa kaniya, puwede na rin po ‘yun. Icoconsider na rin po ‘yun.”

Pag Angkas Sa Motorsiklo, Papayagang Muli. Ilang Kondisyones, Alamin! 4

Matatandaan na una ng naglabas ng pahayag kahapon na walang sinuman ang papayagan na mag backride sa simula ng pagpapatupad ng MECQ.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: