Press "Enter" to skip to content

Pag Angkas Sa Motorsiklo Sana Naman Payagan Na

Iminungkahi ni Quezon City Rep. Precious Castelo nitong nakaraang Miyerkules June 10, 2020 sa meeting ng mga kongresista na payagan na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang motorcycle back riding sa mga mag asawa.

Ang hamon

Dahil sa banta ng Covid19, mahigpit na ipinagbabawal sa mga lugar na may quarantine ang pag angkas sa motorsiklo kahit pa ito ay magka mag-anak. Ang policy ay nagmula sa IATF. Mas mapapatupad di umano ang social distancing kapag isang tao lang ang sakay ng motorsiklo.

Pag Angkas Sa Motorsiklo Sana Naman Payagan Na 2
Photo Credit: Top Gear PH

Maraming motorcycle riders ang hindi pabor dito lalo pa ang mga pamilya na gamit ang motorsiklo sa pagpasok sa trabaho. Hinaing ng iba, mas convenient at matipid kung naka angkas ang kanilang asawa o pamilya kasya mag commute. Marami din ang nagsabi na mukhang hindi ito pinagisipan mabuti dahil ang mag-asawa ay magkatabi matulog sa kama pero kapag lumabas at sumakay na sa motorsiklo ay pinagbabawal na.

Ang mungkahi

Marami ang mga pulitiko na humiling na baguhin ang policy sa pinagbabawal ang pag angkas sa motor. Isa na dito si Castelo. Hinimok niya si Pangulong Duterte at ang IATF na payagan na ang mag asawa na magka angkas sa motorsiklo. Sa pahayag ni Castelo nitong Miyerkules, sinabi nya mas ligtas ang mga Misis sa pag angkas sa kanilang Mister kaysa sumakay sa pampublikong sasakyan para pumasok sa trabaho o mamalengke.

Pag Angkas Sa Motorsiklo Sana Naman Payagan Na 3
Photo Credit: ABS CBN

Mas alam ni Misis kung si Mister ay infected ng virus. Kung ang asawa nya ay may virus hindi sya sasakay sa motor at naka i-solate na si Mister sa pamilya buong pamilya. Kaysa mag commute sya. Mas mataas ang risk ng infection sa pampublikong sasakyan.

Ang solusyon

Sinabi ni Castelo na ang mga bus at ibang transportasyon na galing sa gobyerno ay hindi sapat kahit pa ibalik ang normal operation. Marami umanong empleyado ang nakikipasiksikan sa mga loading area. Marami ang bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa kakulangan sa transportasyon. Kapag pinayagan ang pag angkas sa motorsiklo ng magkaka pamilya, mababawasan ang dami ng tao sa kalsada.

Pag Angkas Sa Motorsiklo Sana Naman Payagan Na 4
Photo Credit: Manila Bulletin

Para sa mas madaling enforcement, minungkakahi ni Castelo sa IATF na i require ang mga mag asawa na kumuha ng certificate sa Baranggay para sa katunayan sa sila ay mag asawa. Kasama sa suggestion ang pagdala ng marriage certicate sa lahat ng oras kapag bibiyahe para meron silang maipakita sa mga pulis o sundalo sa mga checkpoint.

Source: MetroManilaPolitics

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: