Press "Enter" to skip to content

Pag Papa-Saayos Ng Mga Bike Lane Inuumpisahan Na Para Sa Kaligtasan Ng Mga Siklista

Quezon City- minadmadali ni mayor Joy Belmonte ang pagpapatupad ng Bike Lane Network project upang mas Ligtas ang pagbibisikleta sa lungsod, Inaasahang matutupad ito ngayong darating na Hulyo.

Unang hakbang

Ang first phase ng proyekto ay ang pagsasaayos ng kasalukuyang bike lanes at ang paglalagay ng temporary at semi-permanent traffic separation devices. Ayon sa Alkalde, mabilis na sinusubaybayan ng gobyerno ng lungsod ang proyekto at mapatupad ito ngayong darating na hulyo.

Pag Papa-Saayos Ng Mga Bike Lane Inuumpisahan Na Para Sa Kaligtasan Ng Mga Siklista 2
Photo Credit: LIBRE.INQUIRER

“We are working double time on this project so that the increasing number of bikers in our city will be able to travel safely without other vehicles running over their lanes,” ani Belmonte.

Mga bagong ordinansa 

Nakipag ugnayan na si Belmonte sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng plano nito sa Commonwealth Ave., isang national government highway. Inalam na rin ang mga bagong bike lanes at ang mga paglalagyan ng parking ng bisikleta.

Pag Papa-Saayos Ng Mga Bike Lane Inuumpisahan Na Para Sa Kaligtasan Ng Mga Siklista 3
Photo Credit: KYUSI

“Commonwealth Avenue is one of the major thoroughfares in our city so it is fitting to include it in our bike lane network,” dagdag pa ng mayora. May ordinansa naman silang ginagawa upang masiguro ang kaligtasana ng mga manggawang siklista.

Bike lane sa Edsa

Samantala, ang mga daan naman sa Edsa ay pansamatalang minarkahan lamang ng puting pintura sa halip na ihiwalay ang tirang bahagi ng daan gaya ng naunang plano. Ayon sa mga siklista , isang napakalaking hamon ang pag bibisikleta sa kanilang lugar.

Source: GMA News

“Noong nawala yong mga MMDA, puro motorista na po yong kasabay namin. Medyo delikado pero wala na po kasing ibang way ng transportation kaya tiniyatiyaga po namin,” Ayon sa siklista.“May mga bus, truck, tapos yong mga motor bigla na lang susulpot sa tabi mo,” Dagdag pa nito.

Mag-mula nang magumpisa ang community quarantine sa Metro Manila, naitala na ng pulisya ang kabuuang 10 na aksidente na nauugnay sa pagbabike sa EDSA.

Source: LIBRE.INQUIRER

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: