Press "Enter" to skip to content

Pag Proseso Ng PWD ID Sa QC, Suspendido Dahil Sa Pag Abuso

Suspendido ng Huwebes hanggang Biyernes (June 25-26) ang pag-apply at pag-isyu ng Persons With Disability (PWD) identification cards sa Quezon City matapos ang ilang mga ulat na pang-aabuso sa paggamit nito.

Pag-abuso sa paggamit ng PWD ID

Ang nasabing pang-abuso ay matapos madiskubre ang pag-isyu sa anim na miyembro ng isang mayamang pamilya noong 2018. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, nakakuha sila ng PWD ID cards kahit hindi sila kwalipikado ayon sa Republic Act No. 10754 or An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability.

Pag Proseso Ng PWD ID Sa QC, Suspendido Dahil Sa Pag Abuso 2
Photo Credit: CNN Philippines

Hindi nagpasa ng mga requirements ang nasabing pamilya. Pinaniniwalaan sila ay nagbayad ng tig-dalawang libo (P2,000) sa bawat card.

Ayon kay Mayor Belmonte

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, gagamitin ang dalawang araw upang balikan, mapag-aralan ang kanilang sistema. Gagawa ng panibagong mga guidelines para maprotektahan ang pag-abuso sa paggamit nito.

Pag Proseso Ng PWD ID Sa QC, Suspendido Dahil Sa Pag Abuso 3
Photo Credit: Facebook/Mayor Joy Belmonte

Sinisigurado ni Belmonte na ang pribileyihong ito ay para matiyak na ang mga deserving ng PWD lamang ang makakakuha nito.

Ang nag-isyu ng PWD ID

Natukoy na rin kung sino ang nag-isyu ng nasabing PWD cards sa pamilya. Siya ay binigyan ng show-cause order at pinagpapaliwanag sa loob ng 72 oras para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng kasong administratibo at kriminal, ayon kay Attorney Nino Casimiro, abogado ng lokal na pamahalaan.

Pag Proseso Ng PWD ID Sa QC, Suspendido Dahil Sa Pag Abuso 4
Photo Credit: Philstar

Dagdag pa ni Casimiro na maaring humarap sa grave misconduct ang nasabing empleyado at maaring matanggal sa serbisyo. Tinitiyak din ang istriktong pag-monitor sa pag-iisyu ng bawat PWD card sa lungsod.

PWD ID card

Ang gobyerno ay nagbibigay ng karapatan at pribilehiyo sa mga Pilipinong may kapansanan. Binibigyan sila ng PWD ID card kung saan pwede nila ito maipakita pag may transksyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga serbisyo at establisyemento.

Pag Proseso Ng PWD ID Sa QC, Suspendido Dahil Sa Pag Abuso 5
Photo Credit: Philippine News

Ilan sa mga benepisyo ng may PWD card ay exemption sa 12% expanded value-added tax, 20% discount sa restaurants, gamot, sa mga medikal at dental na serbisyo, sa sinehan at iba pa. Ang mga may PWD card ay binibigyang prayoridad sa mga pila, parking, at transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno, mga serbisyo at mga establisyemento.

Source: CNN Philippines

The Quezon City government temporarily suspends the issuance of Persons with Disability identification cards after reported abuse by a well-off family.

Posted by CNN Philippines on Wednesday, June 24, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: