Press "Enter" to skip to content

Pag-shift Sa MECQ, Hindi Epekto Ng Aksyon Ng Gobyerno Sa Pandemya- Malacañang Palace

Ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ang mga kalapit na lalawigan ay hindi epekto ng sinasabing ‘kapalpakan’ ng gobyerno na harapin ang krisis na COVID-19, ito ang sinabi ng Malacañang nitong Lunes.

“Hindi po ‘yan nagka-qualify for MECQ”

Sa isang panayam, sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque na ang pagsasailalim sa MECQ ay isang hakbang sa tamang direksyon.

Aniya,

“Alam niyo po, habang mababa po ang mga namamatay, tama po ang ginagawa natin,”

Pag-shift Sa MECQ, Hindi Epekto Ng Aksyon Ng Gobyerno Sa Pandemya- Malacañang Palace 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Dagdag niya,

“…kung titignan ninyo ang datos, ‘yung case doubling rate natin ay almost nine days at hindi po ‘yan nagka-qualify for MECQ.”

Ang desisyon ng Pangulo

Inihayag ni Duterte noong Linggo na ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal ay sasailalim sa MECQ mula sa General Community Quarantine o GCQ sa loob ng 15 araw na magiging epektibo sa darating na Martes, ika-4 ng Agosto.

Napagdesisyunan ito ng Palasyo matapos ang apela ng mga naubos na medical frontliners para sa mas mahigpit na lockdown at maayos na estratehiya laban sa COVID-19 lalo pa’t ang bilang ng mga kaso sa bansa ay lumampas na ng 103,000.

Sa ngayon, ang work at quarantine passes ay mahigpit na ipinatutupad upang mabawasan ang mga tao na lumabas sa kani-kanilang tahanan.

Patuloy na paalala

Mahigpit na ipinapaalala sa publiko na sundin ang ilang pamantayan sa kalusugan tulad ng pagsusuot ng mask, pag-papanatili ng social distancing at madalas na paghuhugas ng kamay.

Pag-shift Sa MECQ, Hindi Epekto Ng Aksyon Ng Gobyerno Sa Pandemya- Malacañang Palace 3
Photo Credit: GMA News

Ang mga local government unit naman ay inatasan na paigtingin pang lalo ang lockdown protocols sa nasaskupang lugar at maipatupad ang proyektong Oplan Kalinga.

Sa ilalim ng Oplan Kalinga, ang mga lokal na opisyal ng kalusugan ay magbabahay-bahay upang matukoy ang mga may mild at asymptomatic na mga kaso na kalaunan ay ililipat sa mga quarantine facility.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: