Press "Enter" to skip to content

Pagala-Galang Matandang Pulubi, Binigyan Ng Pagkain At Damit Ng Mga Sakristan

Davao City – Kamakailan ay umani ng papuri ang grupo ng mga sakristan matapos mag viral ang kanilang larawan habang pinapakain at Ginupitan ang isang Pagala-Galang matanda malapit sa kanilang paroko.

Busilak na puso

Sa gitna ng sakuna at pagsubok na kinakaharap ng marami ngayong may pandemya, may Mangilan-ngilang parin ang mayroon busilak na kalooban. Kagaya na lamang ni Teotristian Gomez Batutay na isa sa mga Altar Boys ng Dan Roque Parish sa Mawab, Davao De Oro.

Pagala-Galang Matandang Pulubi, Binigyan Ng Pagkain At Damit Ng Mga Sakristan 2

Sa ibinahaging mga litrato sa kaniyang facebook account, makikita na walang pag-aalinlangan ang mga alagad ng Diyos na tinulungan ang matandang lalake na pagala-gala at nakatambay na matandang lalake na namamalimos sa labas ng kanilang simbahan.

Viral na larawan

Sa mga litrato, kaniyang ipinakita ang ginawang pag tulong kay “Totong”. Kasama ng iba pang Sakristan, kanilang ginupitan, pinaliguan, binigyan ng damit tapos ay pinakain.

Pagala-Galang Matandang Pulubi, Binigyan Ng Pagkain At Damit Ng Mga Sakristan 3

Kapansin-pansin ang di maipintang kasintahan ng matanda habang siya ay inaasikaso ng mga Sakristan. Kaya naman, namangha din ang mga ito sa kinalabasan ng tila ba “makeover” sa matandang lalaki na kanilang tinulungan. Naging mas maaliwalas ang hitsura ng matanda at napakalinis na nitong tingnan.

Pagala-Galang Matandang Pulubi, Binigyan Ng Pagkain At Damit Ng Mga Sakristan 4

Malinis na hangarin

Lalo pang pumukaw sa atensyon ng mga Altar Boys ang napakagandang awra ng matanda matapos nila itong tulungan. Ayon sa ilan pang mga ulat sa kanilang lugar ay sinabi ng mga kabataang ito ang kanilang dahilan kung bakit nila tinulungan ang isang taong hindi naman nila kakilala o kadugo.

Simple lamang ang naging sagot ng mga ito, ayon sa kanila, nais lamang nilang tulungan ang matandang magmukhang malinis dahil sa naaawa rin sila sa kalagayan nito. Hindi man nila ito magagawa sa marami pang mga pulubi, isa nang napakagandang halimbawa ang kanilang naging kabutihang-loob para sa matanda na natulungan nila kahit pa sa loob lamang ng isang araw.

TRUE SERVANTS OF THE LORD | Giliguan, gigupitan, ug gipakaon sa mga sakristan sa San Roque Parish sa Mawab, Davao de Oro…

Posted by Sikat Ka Pinoy on Sunday, October 4, 2020

Source: Sikat Ka Pinoy

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: