Press "Enter" to skip to content

PAGASA, Mas Aayusin Ang Pagsubaybay Sa Mga Darating Na Sakuna Sa Bansa

Last updated on July 28, 2020

Sa pamamagitan ng mga dinagdag na kagamitan ng PAGASA, mas mapapalakas ang kapasidad nila na maging handa sa mga sakuna na darating sa hinaharap at mabawasan ang magiging epekto nito sa mga tao na matatamaan.

Dagdag na kagamitan

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña, naglagay na ng karagdagang mga kagamitan ang PAGASA upang mas mapalakas ang kahandaan ng bansa sa mga sakuna at maisaayos ang pagmamanman sa mga ito.

PAGASA, Mas Aayusin Ang Pagsubaybay Sa Mga Darating Na Sakuna Sa Bansa 2
Photo Credit: Remate PH

Mula sa mensahe niya sa Philippine News Agency, ipinaliwanag niya na upang maisayos ang pagmamanman at mabawasan ang epekto ng mga sakuna tulad ng bagyo at pagbaha, naglagay ang PAGASA ng karagdagang Doppler Radars para sa pagmamanman ng mga tropical cyclone at pag-ulan, High Frequency Doppler Radars para sa mga alon sa dagat, at pagkakaroon Flood Forecasting and Warning Systems (FFWS)

Bilang ng mga nadagdag

Mula Enero 2019 hanggang Hunyo 2020, nagkabit ang PAGASA ng 12 na High Frequency Doppler Radars, ito ay nasa 24 na ngayon, isang Doppler Radar, upang ito ay maging 17 na, at 5 na FFWS, kaya ito ay nasa 13 at may ikakabit pang 6 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

PAGASA, Mas Aayusin Ang Pagsubaybay Sa Mga Darating Na Sakuna Sa Bansa 3
Photo Credit: ABS-CBN News

Mula sa ibang panayam, sinabi ni PAGASA Administrator Vicente Malano na ang mga FFWS ay maipapatayo sa mga river basin ng Abulug sa Kalinga, Ilog Hilabangan sa Negros Occidental, Agusan River Basinsa Agusan del Sur, Agus sa Iligan, Mindanao River Basin sa Cotabato, at Aklan River Basin sa Kalibo.

PAGASA, Mas Aayusin Ang Pagsubaybay Sa Mga Darating Na Sakuna Sa Bansa 4
Photo Credit: CNN

Paliwanag ni Malano, ang mga FFWS ay nakatakda sanang matapos ngayong taon o sa unang apat na buwan ng taong 2021, ngunit ito ay napahinto dahil sa isinagawang community quarantine at hindi sila makapunta sa mga lugar na pag gagawan.

Sa mga paglindol

Ang pagmamanman ng mga paglindol sa ating bansa ay mas pinaayos din, nagdadagdag na ang DOST ng mga satellite telemetered seismic stations para mas madaling matukoy ang mga paggalaw ng lupa na mas mababa sa magnitude 3. Mula sa 98 na mga seismic station noong 2017, ito ay nadagdagan sa kabuuang bilang na 104 seismic stations sa buong bansa.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: