Browse By

Pagbabakuna Sa Mga Katabataang May Edad 12 – 17 Taon, Sinimulan Na Sa Metro Manila

Isinagawa na ang soft launching sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata na may edad 12-17 taon sa walong pampubliko at pribadong ospital sa Metro Manila. Sa panayam kay Dr. Teddy Herbosa, Medical Adviser ng National Task Force Against COVID -19 sa programang Usap Tayo: Super Kuwentuhan with Mark and Susan sa DZBB Super Radyo, sinabi nito na nagkaroon ng launching program ng bakunahan para sa mga kabataan sa National Children’s Hospital (NCH) Biyernes ng umaga, October 15.

Photo Credits: National Task Force Against COVID19

Ayon pa kay Dr. Herbosa, prayoridad sa mga batang babakunahan ay ang mga may comorbidity at mga pasyente ng mga pediatrician sa walong mga ospital sa National Capital Region. Sa launching ng bakunahang ito, mauuna ang mga batang may edad 15-17, at mula October 22, babakunahan na rin ang batang 12-14 taong gulang. Simula naman sa November 5 ay babakunahan na rin ang mga kabataang may ganitong edad sa labas ng Metro Manila.

Pilot vaccination sa mga kabataan sa Metro Manila

Bukod sa NCH, kasama rin ang mga sumusunod na ospital sa Quezon City: Philippine Heart Center, Fe Del Mundo Medical Center, Philippine Children’s Medical Center. Dagdag pa riyan ang Pasig City General Hospital sa lungsod ng Pasig, Philippine General Hospital sa lungsod ng Maynila, St Luke’s Medical Center sa lungsod ng Taguig, at Makati Medical Center sa lungsod ng Makati.

Photo Credits: GMA News FB Page

“Sa bansa po ay almost 12 million ang batang (nasa) edad na yan, 12 to 17, at ang tantiya nila ay parang mga almost four million yata ang may comorbidity, pero sa buoing bansa yan. Sa NCR, parang ang nacompute nilang target ay 144,000 ang sa Metro Manila na may comorbidity.”

“Yung mga batang babakunahan, kailangan ng medical certificate at nakalista dun sa 12 comorbidities na nilista ng IATF na puedeng bakunahan muna.”

-Dr. Ted Herbosa, Medical Adviser ng National Task Force Against COVID19, October 15, 2021

Listahan ng mga comorbidity sa mga bata

Noong unang linggo ng Oktubre ay nagpalabas ang Department of Health ng listahan ng mga comorbidities sa mga bata na may edad 12-17 na mabibigyang prayoridad sa bakunahang ito. Sila ay ang mga batang may medical complexity, genetic conditions, neurologic conditions, metabolic/endocrine, cardiovascular disease, obesity, HIV infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders, at hepatobiliary.

Mga bakunang gagamitin sa 12 to 17 age group

Pfizer-BioNTech at Moderna vaccines lamang ang pinayagan maibakuna sa mga bata. Ang dalawang brand na ito ay binigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration ng Pilipinas para gamitin sa 12 to 17 age group.

Source: Super Radyo DZBB 594khz

Leave a Reply

Your email address will not be published.