Press "Enter" to skip to content

Pagbabalik MECQ, Nakapigil Ba sa Paglobo ng COVID-19 Cases?

Bilang tugon sa panawagang “time out” ng mga medical frontliners ay muling isinailalim ang Metro Manila at iba pang probinsya sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ngayon patuloy pa din ang COVID-19 crisis. Ang tanong ng nakararami, nakatulong ba ang pagbabalik sa MECQ, lalo na sa pagbawas ng kaso ng mga tinamaan ng sakit?

Hindi pa makikita ang epekto

Sa isang panayam noong Martes, ipinaliwanag ni Dr. Mario Panaligan, presidente ng Philippine College of Physicians, na hindi pa lubusang makikita sa ngayon ang epekto ng MECQ sa pagdami o pagbawas ng mga kaso ng COVID-19 dahil mayroon pang incubation period na isa hanggang dalawang linggo ang sakit na ito. Gayunman, inaasahan na mababawasan ang mga kaso sa mga susunod na araw.

Pagbabalik MECQ, Nakapigil Ba sa Paglobo ng COVID-19 Cases? 2
Source: UNTV News

“Hopefully itong mga susunod na araw mas mababawasan pa ‘yung numero,” sabi ni Panaligan.

Pabor sa pagbubukas ng negosyo

Pabor naman ang mga doctor, nurse at iba pang healthcare na muling magbukas ang ilang mga negosyo pagkatapos ng MECQ. Naiintindihan naman umano nila na mahalaga rin ang kabuhayan lalo ngayong panahon ng pandemya.

Pagbabalik MECQ, Nakapigil Ba sa Paglobo ng COVID-19 Cases? 3
Source: GMA News TV

“Nakipag-usap din kasi kami pagkatapos ng MECQ na maumpisahan ‘yon. Marami ho kaming nakausap na mga grupo, hindi lang gobyerno, pati business groups. Nagkausap kami, kailangan nating tugunan kung ano ‘yung dapat na matugunan agad pero hindi natin kalimutan na dapat hindi pa rin mawawala ‘yung pinagkakabuhayan ng maraming tao,” ani Panaligan.

Koordinasyon sa gobyerno

Inihayag ni Panaligan na mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga medical frontliner at ng mga departamento ng gobyerno.

COVID-19 update

Nitong Huwebes, umabot na sa 147,526 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Health ng 4,002 na mga bagong kaso. Ang mga gumaling ay 70,387 na habang 2,426 na ang mga namatay.

Source: gmanetwork.com

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: