Press "Enter" to skip to content

Pagbabanta Sa Mga Opisyales ng BuCor – Inaasahan

Caloocan City, Philippines – Pinaigting ng Bureau of Corrections ang seguridad para sa knilang mga opisyales matapos makatanggap ng mga pagbabanta. Ito ay matapos nilang i-anunsyo ang pagkamatay ng mga ilang high-profile inmates dulot ng COVID-19.

Pagbabanta

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, na ang mga taga Bureau of Corrections ay sanay nang makatanggap ng mga pagbabanta dahil sa kanilang trabaho. Itong mga pagbabanta na maaaring galing sa loob o labas ng mga kulungan ay dapat na nilang asahan sa linya ng kanilang trabaho.

Pagbabanta Sa Mga Opisyales ng BuCor - Inaasahan 2
Photo Credit: CNN Philippines

Ani ni Guevarra,

“The BuCor people are accustomed to threats from inside and outside the prison walls due to the nature of their job.”

Dagdag pa niya,

“They have adapted and they know what precautions to take.”

Pagbabanta Sa Mga Opisyales ng BuCor - Inaasahan 3
Photo Credit: CNN Philippines

Nakipagugnayan ang BuCor sa Muntinlupa City Government at National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa police augmentation. Ito ay para nadin masiguro ang seguriadad para sa kanila at sa kanilang nasasakupan.

Witness

Ang nasabing nasawi ay isang witness sa isang drug case laban kay Senator Leila de Lima. Dahil sa data privacy law ay hindi maaring pangalanan ang witness.

Pagbabanta Sa Mga Opisyales ng BuCor - Inaasahan 4
Photo Credit: Yahoo News

Ipinaalam ang pagkamatay ng nasabing inmate sa kaniyang mga kamag-anak. Ikinagalit nila umano ang balitang ito at nagbigay ng pagbabanta sa mga opisyales ng Bureau of Corrections dahil sa kakulangang impormasyon.

Agarang pag-cremate

Iniimbestigahan ngayon ang mga kaduda-dudang pangyayari sa Bureau of Corrections. Matapos maglabas ng karagdagang report na may siyam pang inmates ang nasawi at kaagarang na-cremate.

Pagbabanta Sa Mga Opisyales ng BuCor - Inaasahan 5
Photo Credit: CNN Philippines

Laking pagtataka ng mga nagiimbestiga na hindi man lang binuksan ang body bag kung saan nailagak ang mga katawan bago i-cremate. Sinasabi na ito ay utos sa kanila mula sa mga opisyales mula ng BuCor.

Posibleng may body-switch

Pinaiimbestigahan ngayon ng mga police officials ang pangyayari sa kadahilanang walang gaanong ebidensiya o patunay na namtay nga ang mga inmates sa sakit. Nagpakita lamang ng mga papeles ang mga taga BuCor at kulang-kulang na impormasyon.

Pagbabanta Sa Mga Opisyales ng BuCor - Inaasahan 6
Photo Credit: CNN Philippines

Inilatag nila ang mga death certificates at mga karagdagang dokumento na nagpapatunay sa identification ng mga namatay sa sakit ang mga inmates. Subalit ayon sa mga opisyales ay hindi ito sapat na patunay dahil marami pa ang kailangang maipakita. Kinuwestiyon din ang creamtorium kung bakit hindi sila nag-imbestiga kunga bakit hindi pwedeng buksan ang body-bag.

Kurapsyon

Ipinagwalang bahala ni Bureau of Corrections chief Gerald Bantag ang mga akusasyon ukol sa isyu na ito. Inaakusahang siya ay binayaran at mga ilang opisyales para palabasin na namatay ang mga inmates sa sakit na COVID-19.

Maaaring hindi namatay sa sakit bagkus ay pinatakas ang mga inmates kapalit ng malaking halaga ng pera. Ito narin ang nakikitang anggulo ng pulisya sa kakulangan ng impormasyon at walang maipakitang karagdagang dokumento ang mga opisyales ng BuCor.

SOURCE: Philippine Information Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: