Manila, Philippines — Susuriin ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang desisyon nitong “Conditionally Allow” ang mga “Religious Gathering” sa mga bahagi ng bansa sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), ayun kay spokesperson Harry Roque noong April 30, 2020.
Reklamo
Sinabi ni Roque na “Dumagsa” ang mga reklamo mula sa mga lokal opisyal, na nagbabala na ang pagpayag sa mga “Religious Gathering” ay maaaring humantong sa karagdagang pagkalat ng bagong coronavirus. Sinabi rin nila na ang mga naunang pag-iingat laban sa (Coronavirus) ay magiging balewala kung papayagan nila ngayon ang mga religious gatherings. Ang mga kinauukulan ay hindi makakapasok sa mga simbahan at moske upang matiyak na ang mga tao ay susunod sa “Physical Distancing”.

Ayun pa sa isang alkalde na sa oras na ito ng Ramadan, imposible na maghiwala-hiwalay ang mga tao kung papayagan nila ang mga pagtitipon, sabi pa rin ni Roque sa isang panayam sa telebisyon.
At di daw siya magiging bingi sa mga protesta ng mga ito. Kailangan daw niya i-refer ang isyung ito sa “Task Force” dahil magkakaroon sila ng pagpupulong sa biyernes kasama ang task force.
Umapela si Roque sa mga pinuno ng relihiyon na huwag gaganapin ang mga Misa at iba pang mga serbisyo hanggang sa makagawa ng “Final Desicion” ang task force.
Guidelines
Nauna nang nagbigay ng “Guidelines” ang task force para sa mga lugar na “Low To Moderate Risk” upang makontrol ang pagkalat ng coronavirus kung sakaling magkaroon ng pagtitipon.
Ang mga pagtitipon o “Mass Gatherings” ay ipinagbabawal pa rin sa mga lugar na iyon, ani ni Roque noong Huwebes. Sinabi rin ng task force na ipinatutupad nila ang “Minimum Public Health Standards” na dapat sundin sa panahon ng quarantine. Limitado rin ang pag-access sa mga “Essential Goods and Services” at “Office and Industries” na pinapayagan nang mag-operate.

At para naman sa pampublikong transportasyon ang mga sektor ng kalsada, riles, maritime at aviation ay maaari nang magpatakbo alinsunod sa guidelines ng “Department of Transportation”. Ang pagbubukas ng ilang mga sektor o industriya ay maaaring ipagpatuloy ng buo o partial capacity, maliban sa amusement, gaming, fitness, kids and tourisms. Ang mga Shopping Malls ay pinapayagan ng mag-operate ng paunti-unti. Ang mga “Leisure Establishments and Services” ay mananatiling sarado pa rin.
Ang “Department of Trade and Industry” ay maglalabas rin na guidelines upang limitahan ang pagpasok ng mga mamimili sa mga Shopping Centers. Ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ay maaaring ipagpatuloy ng buo o sa ilalim ng mga alternatibong paraan sa pag-aayos ng trabaho, alinsunod sa “Civil Service Commission”.
Karagdagan
Ang mga mahahalagang proyekto na pampubliko at pribadong konstruksyon tulad ng sewerage, water services, digital works, health centers, at priority projects ay pinapayagan ng mag-operate alinsunod sa ilalabas na guidelines ng “Department of Public Works and Highways”.

Ang mga Hotel at Accommodation Establishments ay hindi papayagan na mag-operate, maliban sa mga “Foreign guests” na mayroong mga bookings hanggang Mayo 1; tulad ng mga sumusunod, Distressed Overseas Filipino Workers, Stranded Filipinos o Foreign Nationals, Filipino migrants na kailangang sumunod sa quarantine requirements, at Non-migrants na kailangan sumailalim sa quarantine.
At mga Health Care-workers at iba pang mga empleyado mula sa mga negosyo na exempted mula sa quarantine. Sinabi din ng task force na ang mga klase sa mas mababang mga paaralan ay mananatiling suspendido, ngunit ang mga institusyong ng “Higher Education” ay maaaring humawak ng mga klase sa pamamagitan ng “Flexible Learning Arrangements” upang matapos ang school year. Ang mga paaralan ay maaaring mag-operate sa pamamagitan ng “Limited Capacity” lamang sa pagtanggap ng mga estudyante at mag-isyu ng kredensyal sa mga ito.
Source:Inquirer news
Be First to Comment