Press "Enter" to skip to content

Pagbebenta Ng Motorcycle Barrier, Naglipanang Parang Kabuti Sa Kalakhang Maynila

Naglipana ngayon ang mga nagtitinda ng motorcycle barrier alinsunod sa pinaigting na safety protocol ng IATF laban sa covid-19. Ito ang kondisyon ng Inter-Agency Task Force para sa mga nagnanais na makapag-angkas ng kanilang mahal sa buhay para makaiwas sa pagcocommute.

Motorcycle barrier

Nagkalat ngayon ang mga nagtitinda at mamimili ng motorcycle divider sa 10th Avenue at Quiapo, Maynila.

Pagbebenta Ng Motorcycle Barrier, Naglipanang Parang Kabuti Sa Kalakhang Maynila 2

Mabibili ang barrier sa presyong limandaang piso hanggang isang libo depende sa laki at design nito. Ayon sa mga seller sa Quiapo, lumakas ang kanilang benta magmula noong nakaraang linggo.

Pagbebenta Ng Motorcycle Barrier, Naglipanang Parang Kabuti Sa Kalakhang Maynila 3

Dumog

Sa Caloocan naman, dumog ang mga mamimili sa mga motorcycle shops upang makabili ng customized na barrier. Ayon sa ilang nagtitinda, nakakabenta sila ng 35 na dividers sa isang araw.

Sa isang panayam ng PhilStar sa isang security guard sa Quiapo, nahirapan sila ng kanyang asawang nagtatrabaho na magbyahe simula noong mapatupad ang enhanced community quarantine. Dahil sa ilalim ng ECQ, ipinagbawal ang backriding upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Takaw aksidente

Ayon sa mga motorcycle enthusiasts, takaw aksidente ang mga motor barrier dahil maaari itong mahagip ng hangin at magresulta ng aksidente sa kalsada. Ayon sa Motorcycle Philippines Federation, sapat na ang pagsusuot ng mga motorista at backride ng face masks, helmet, gloves, at face shield.

Pasaring

Nagpabatid naman ng pasaring si Sec Año sa mga panawagan ng mga grupo ng motorista hinggil sa dala na panganib ng motorcycle barriers.

“Pero syempre, alam mo, ang daming pilosopo, ang daming critic[s], sabi, ganito, ganyan, ‘di na kailangan ‘yan,”

Dagdag pa nito,

“Ang daming mga magagaling, sabi, ‘We are from the motorcycle associations, cyclists’. Sabi ko naman, ‘Pagdating sa motor naniniwala ako na expert kayo, pero pag dating sa pandemic, huwag kayong nagmamarunong kasi kailangan pag-aralan ano ba talaga ‘tong virus na ito,”

Gayunman, marami pa ring motorista ang tutol sa pagpapatupad ng barriers sa mga motorsiklo.

Source: Philstar Global

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: