Press "Enter" to skip to content

Pagbibigay Revolutionary Tax Ng Mga Negosyante Sa New People’s Army, Ipinapatigil Na!

CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinawagan ni MGen. Andres C. Centino ng 4th Infantry Division sa lahat ng mga negosyante na huwag magbigay ng pera sa New People’s Army (NPA).

Mga negosyanteng target

Isinalaysay ni Centino sa podcast interview niya noong July 19, 2020 kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na nakapagpatuloy ang mga rebelde sa kanilang mga teroristang gawain dahil sa mga perang natatanggap nila.

Pagbibigay Revolutionary Tax Ng Mga Negosyante Sa New People's Army, Ipinapatigil Na! 2
Photo Credits: Philippine News Agency

At ang hindi pagbigay ng pera sa grupo ay malaking tulong sana sa gobyerno sa pagsugpo ng grupo. Kadalasan ang mga tinatarget na mga negosyante ay ang mga quarry operators, construction companies, plantations, at kahit mga politiko.

Sabi niya,

“Even if the military is able to terminate all NPA fighters, but they can still get money from businessmen or politicians, they will still thrive and survive.”

Pagbibigay Revolutionary Tax Ng Mga Negosyante Sa New People's Army, Ipinapatigil Na! 3
Photo Credits: Sunstar

Pangongotong

Ang pangongotong ng mga rebelde ang nagsisibilbing “lifeblood”ng grupo. Kung wala ito, siguradong mapipilayan ang karamihan sa kanila.

Pero aminado ang opisyal na dahil sa takot, ay napipilitang magbigay ang mga negosyante. Kaya, nakakakuha pa rin ng pera ang mga rebelde, na siya namang ginagamit nila para punduhan ang kanilang pagkampanya, pagpapakain at pagbili ng mga sandata.

Pagbibigay Revolutionary Tax Ng Mga Negosyante Sa New People's Army, Ipinapatigil Na! 4
Photo Credits: Frontlines Of Revolutionary Struggle

May listahan

Sinabi ni Centino na nakakuha ang military na mga listahan ng pangalan at kompanya na kokolektahan ng pera. At ayon sa kanya nasa halos 50, ang nahuli ng mga military. At nasa mahigit 990 rin ang natukoy na mga support group at gaway ng mga grupo.

Sa kabuuan nito ay, nasa 188 CPP-NPAs na ang sumoko o napatay. sa patuloy na pagtugis ng mga militar ay naka recover na ng mahigit 103 ka mga armas mula sa mga rebelde simula noong January, ngayong taon. At sinabing suportahan ang kanilang pagsisikap laban sa mga grupo.

Pagbibigay Revolutionary Tax Ng Mga Negosyante Sa New People's Army, Ipinapatigil Na! 5
Photo Credits: Philippine News Agency

Sabi niya,

“We realize somehow, insurgency can be solved if we also solve the resource generation through extortion. If we can address the inflow of their financial resources and continue military operations, hopefully the level of insurgency will go down. But this alone, we cannot on our own, we need the cooperation of all sectors to end this 50-year insurgency problem of the country.”

NPA may karapatang maningil ng revolutionary tax

Noong June 2016, sinabi ng Spokesperson ng National Democratic Front (NDF) na si  Fidel Agcaoili na may karapatan ang mga rebelde na mangolekta ng revolutionary taxes sa mga lugar kung saan nag operate sila. At ginagamit para sa pagtulung sa komunidad at hindi napupunta sa mga corrupt na leaders ang pera.

Pagbibigay Revolutionary Tax Ng Mga Negosyante Sa New People's Army, Ipinapatigil Na! 6
Photo Credits: Youtube

At mismong si Pangulong Duterte, ay may nasabi ring pagsang-ayon tungkol sa revolutionary tax noong 2013, sa kanyang talumpati sa mga delegates ng Davao Trade Expo 2013, at sinabing hindi niya mapigilan ang NPA sa pagkolekta ng revolutionary tax.

Pero noong 2017, sa kasagsagan ng pagkakaroon ng pakipag dialogo ng gobyerno sa grupo, isa sa mga kondisyong inilatag ng Pangulo ay ang pagbabawal sa pagkolekta ng revolutionary tax, na siyang ring isa sa mga dahilan kung bakit lumamig ang usapang dialogo.

Pagbibigay Revolutionary Tax Ng Mga Negosyante Sa New People's Army, Ipinapatigil Na! 7
Photo Credits: GMA News

Patuloy na mga pag atake

Ilan sa mga sunod sunod na pag atake ng gruposa iba’t ibang parte sa bansa ay sa Negros, DAvao, Bukidnon,Aurora Province, at Samar.

Halos sa lahat ng parte sa bansa, ay naroon din ang presensya ng mga rebelde, kaya lalong pinalakas ng gobyerno ang pagkampanya laban sa mga grupo.

Source: PIA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: