Press "Enter" to skip to content

Pagbibisikleta Ngayong New Normal, Maraming Benepisyo

Last updated on August 13, 2020

Sa kabila ng panganib sa mga kalsada ng Metro Manila, maraming mga Pilipino ang mas pinili na magbisikleta papasok ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Benipisyong dala

Para sa kanila, ang benepisyo ng pagbibisikleta ay mas nakalalamang kesa sa perwisyo lalo ngayon na ang pampublikong transportasyon ay pansamantalang natigil.

Pagbibisikleta Ngayong New Normal, Maraming Benepisyo 2
Sorce: Better Normal PH

Sa isang TV show, isang gasoline station cashier na si Janice Rañon ang nagbahagi ng mga pakinabang ng pagbibisikleta na kanyang pangunahing opsyon sa pagbiyahe.

Sa kabila ng kanyang pag-aalala sa pagsabay sa ibang sasakyan sa kalsada, hindi niya hinayaang pigilan sya nito para ma-enjoy ang buong pakinabang ng pagbibisikleta.

Wala nang mahabang pila

Isa sa pahirap sa mga commuter sa Metro Manila ay ang mahabang pila bago makapasakay sa bus o jeep. Dumagdag pa rito ngayon pagpapatupad ng social distancing kung saan kalahati na lamang sa normal na bilang ng pasahero ang pinapayagan sa mga pampublikong sasakyan.

“Mas gugustuhin ko pa rin na mag-bike kasi nasanay na rin ako. Mas gusto ko pa mag-bike na lang kaysa maghintay ng matagal sa labas,” paliwanag ni Janice na ginamit ang nakuhang second trance ng Social Amelioration Program pambili ng bisikleta.

Pagbibisikleta Ngayong New Normal, Maraming Benepisyo 3
Source: CNN Phhilippines

Tipid sa pamasahe

Bukod sa walang masasayang na oras sa pag-commute, natitipid din ni Janice ang pera na dati ay nakalaan sa pamasahe sa araw-araw.

“Ang naaalala ko naka-200 pesos ako sa isang araw para lang makapasok sa trabaho. Sobrang gastos noon,” banggit ni Janice

Bawat piso ay mahalaga ngayong panahon ng krisis kaya masaya si Janice na nadagdagan ng kaunti ang naipadadala nyang pera sa pamilya.

Mabuti sa katawan

Ang pinaka-nakakagulat, nakakatanggap ng mga papuri si Janice simula ng magbisikleta siya papasok ng trabaho.

“Ewan ko kung jino-joke nila ako. Sabi gumaganda raw ako. Sabi ko hello, baka dahil nagba-bike lang ako kaya gumaganda, sabi kong ganoon,” she said. “Naisip ko kaagad, iyon ba iyong effect ng pagba-bike ko, ganoon,” masaya niyang ibinahagi.

Ngayong panahon ng pandemya, tumaas ang interes ng mga Pilipino sa mga bisikleta na itinuturing ng parte ng ‘new normal’. Paalala lamang ng mga dati ng siklista para sa kaligtasan sa kalsada, sundin ang mga sumusunod: ugalian ang pagsusuot ng safety gears, paggagamit ng hand signals pagtatawid at liliko at pagpapahinga kung kinakailangan.

Source: gmanetwork.com

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: