Press "Enter" to skip to content

Pagbubukas Ng Klase Sa Agosto 24, Matutuloy!

Iginiit ni Education Secretary Leonor Briones, noong Miyerkules (Agosto 12), na tuloy na tuloy pa rin ang pagsisimula ng klase sa ika-24 ng Agosto kahit inilagay ang ilang mga lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang mga tutol

Marami ang mga nag-apila na ibahin ang petsa sa pagsisimula ng klase, kasama rito ang ilang mga senador at ang organisasyon na Teachers’ Dignity Coalition ((TDC). Binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapaliban ng klase sa mga lugar na nasa MECQ.

Pagbubukas Ng Klase Sa Agosto 24, Matutuloy! 2
Photo Credit: Philstar

“My recommendation is kung ang areas ay ma-extend ang MECQ, we should just postpone school opening in those areas because hindi natin puwedeng palakarin ang mga guro natin at mga magulang sa isang kondisyon na lumalala,” paliwanag niya.

Kasama sa mga nag-apila sina Senador Francis Tolentino at Senador Bong Go, nais nilang ikonsidera ng DepEd ang pagsisimula na klase dahil malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga tao. Ang mga lugar na nasa high-risk ay maaaring ikonsidera sana ang pagpapaliban ng araw ng pasukan.

Ayon naman kay Sen. Bong Go, nararapat na bigyan muna ng oras ang mga estudyante at mga guro na maghanda para sa gagawin na blended learning upang masiguro na magiging maayos ang implementasyon nito at hindi na makakadagdag sa paghihirap ng mga tao.

Ang pahayag ng kalihim

Sa kabila ng mga apila mula sa iba’t ibang sector, iginiit pa rin ni Sec. Leonor Briones na matutuloy ang pasukan sa ika-24 ng Agosto kahit may ilang mga lugar na inilagay sa MECQ noong Agosto 4 at matatapos ng Agosto 18.

Pagbubukas Ng Klase Sa Agosto 24, Matutuloy! 4
Photo Credit: Wikipedia

“Tuloy pa rin. Tuloy na tuloy talaga on August 24 ang opening of classes,” giit ni Briones.

“Sa mga areas like NCR and Region 4A na under close monitoring pa, hindi sila masyadong apektado dahil lahat ng classes natin ay online walang face-to-face until next year and until the President so declares,” dagdag niya.

Pagbubukas Ng Klase Sa Agosto 24, Matutuloy! 5
Photo Credit: CNN Philippinees

Ipinaalam din ni Briones na nasa 23.2 milyon na mga estudyante mula sa buong bansa ang nag-enroll, at nalagpasan nito ng 80% na target sa bilang noong nakaraang taon. Sa patuloy na pag-aayos at pagbuti ng ekonomiya, nakikita ni Sec. Briones na madadagdagan ang mga mag-eenroll sa mga pribadong paaralan.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: