Press "Enter" to skip to content

Pagbubuwis Ng Mga Online Sellers, Tinutulan Ni Villanueva!

Nagpahayag si Senator Joel Villanueva sa pag tutol nito na patawan ng buwis ang mga nagtitinda sa internet o online sellers at sinabing ang mga POGO dapat inuuna.

Matindi ang pangangailan

Naiintindihan ng senador ang matinding pangangailangan ng gobyerno na makalikom ng pondo upang matustusan ang mga programa nito lalo na sa gitna ng COVID-19, ngunit di dapat unahin ng BIR ang mga maliliit na mga Pilipinong nag nenegoso bilang online sellers, kundi yung mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) na may mahigit P50 bilyong pang utang sa gobyerno.

Pagbubuwis Ng Mga Online Sellers, Tinutulan Ni Villanueva! 2
Photo Credits: Eleven News

Aniya,

“Pasalamat po tayo at likas na madiskarte ang ating mga kababayan. Hindi na nga po natin nabigyan ng tulong ang karamihan, bubuwisan pa natin ‘yung mga nais maghanapbuhay nang marangal.”

VIllanueva vs POGO workers

Pinuna din ng senador ang hindi pagtugon ng mga POGO operators sa panawagan ng BIR na bayaran ang buwis nito. Noong May 7 nagbigay ng memorandum ang ahensya para sa lahat ng mga POGO operators na bayaran ang mga utang sa buwis nila bago mag bukas sa kanilang operasyon pero walang naaninag ni kahit anino ng isang POGO sa tanggapan ng ahensya ayon ito Deputy Commissioner Arnel Guballa ng BIR.

Dagdag pa niya,

“Alam po natin na kailangan ng ating gobyerno na kumolekta ng buwis. Unahin po natin ‘yung mga napatunayan ng atrasado sa pagbabayad ng buwis. Hanggang ngayon, hindi pa rin nababayaran ng mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) ang utang nito na P50 bilyon na buwis sa atin. Sila ang dapat tinututukan ng BIR.”

Pagbubuwis Ng Mga Online Sellers, Tinutulan Ni Villanueva! 3
Photo Credits: Play and Win Manila

Kaugnay nito, nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa gobyerno na usigin ang mga POGO owners at pabayarin sa kanilang buwis. Sang ayon naman ni Senator Francis Pangilinan at sinabi na hindi ngayon ang tamang panahon para dagdagan ang pasakit ng mga Pilipino na nagsisikap makaahon sa gitna ng pandemia.

Pagbubuwis Ng Mga Online Sellers, Tinutulan Ni Villanueva! 4
Photo Credits: Panay News

Salungat naman ang opinyon ni Senador Angara, ayon sa pahayag niya na kahit na hindi ito nasa tamang panahon para mag kaltas ng buwis sa mga online sellers,ang mungkahing ito ay naaayon sa batas pero dapat ginawa ito noon pa at hindi ngayon.

Sa sunod na taon o higit pa

Aprobado naman ni Senator Imee Marcos ang opinion ng Senador at ayon sa kanya, hindi man ngayon ang nararapat na panahon para maningil, bigyan muna sila ng 2 o 3 taon para mapalago pa nila ang kanilang negosyo at sa gayun ay makakatulong rin sa pag usbong ng eknomiya sa bansa at maibsan ang pag hingi ng ayuda mula sa gobyerno.

Pagbubuwis Ng Mga Online Sellers, Tinutulan Ni Villanueva! 5
Photo Credits: ABS CBN News

Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga nag titinda sa internet o online sellers ay hindi kinakailangan magbayad ng buwis kung ito ay di lalagpas ang kita sa P250,000 kada taon.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: