Press "Enter" to skip to content

Paggawa Ng Computer Tables, Raket Ng Ilang Jeepney Driver!

Manila, Philippines- Ilang jeeney drivers ginawang raket ang paggawa ng mga computer tables, habang hindi pa muling nakababalik pasada. Ang negosyong ito ay patok para sa nalalapit na online classes ng mga estudyante.

Ang nakaisip ng negosyo

Ang ideyang ito ay naisip ng isang seafarer na si Rico Unop upang matulungan makapagsimula ang ilang jeepney drivers na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik pasada. Kaya naman kahit community quarantine pa at tigil pasada ay naging abala ang mga ito sa paggawa ng naturang mga computer tables.

Nakaisip- Seafarer
Photo Credit: Ladyvicencio

Ang mga nasabing jeepney driver na ito ay ang mga ilang bumabyahe noon sa ruta ng Dapitan-Baclaran bago ang ginawang pagpapatigil pasada dahil sa corona virus disease 2019.

Patok sa online class

Mayo nang simulan umano nilang gawin ang paggawa ng nasabing computer tables na yari gamit ang bakal at plywood at pagkatapos ay lilihain, saka ito pipinturahan. Ayon kay Unop kaya ito ang naisipan nilang gawin ay dahil patok ito para sa nalalapit na bagong estilo ng pag-aaral na online classes ngayon taong 2019.

Napapanahon- Seafarer
Photo Credit: Ladyvicencio

Samantala, aabot sa halagang P3,700 ang bawat presyo ng lamesa na kanilang nagagawa na siya naman pinaghahati-hatian ng siyam na manggagagawa.

Hindi sapat ang kita

Sa kabilang banda ay sinabi ng isang tsuper na si Frederico Quitlong na sapat lang umano ang kanilang kinikita sa ganitong raket upang panggastos sa pagkain kaya mas gugustuhin pa rin umano nitong makabalik sa kaniyang pamamasada. Ganito din ang panawagan ng isang tsuper na si Jessie Escobedal na may pinag-aaral na anak sa kursong accountancy ngunit hindi na tiyak kung ito ay makapagpapatuloy pa dahil sa kakapusan sa pinansyal.

Hindi Sapat- Seafarer
Photo Credit: Ladyvicencio

Aniya Fredirico,

“Dati kasi, nakapagpapadala pa siya sa kanyang pamilya sa Bataan ng P2,000 kada linggo pero nahinto na ito mula nang magsimula ang community quarantine.”

Samantala, patuloy naman ang pagsusumikap ng mga driver na ito na mapunan ang demand na kanilang nakukuhang orders sa social media ni Rico Unop, habang wala pang kasiguraduhan kung kailan sila muling makababalik sa pamamasada.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: