Press "Enter" to skip to content

Paghikayat Na Magpa Swab Testing May Kasamang Pulis; Mga Residente Natakot! -Quezon City

Sa bayan ng Sitio Kaingin sa Quezon City ay nagsagawa ng pagbabahay-bahay ang lokal na pamahalaan ng lungsod kasama ang ilang alagad ng batas upang hikayatin ang mga residente na magpa swab testing, ngunit ang pagsama ng mga pulis ay ikinatakot ng mga residente.

Hindi naniniwala

Sa ulat noong Lunes June,29 kung saan makikita ang pagbabahay-bahay ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod kasama ang ilang mga alagad ng batas upang mang hikayat sa mga residente na sumailalim sa isang swab testing.

Hindi Naniniwala- COVID-19
Photo Credit: Youtube

Ang pagsama ng kapulisan ay kinwestiyon at ikinatakot ng maraming residente ng lungsod habang si James Solomon naman na isang residente din ay sinabing,

“Hindi po kami naniniwala na ganoon kataas ‘yung COVID cases dito sa aming lugar dahil nga po maraming tao ang nagsasabi na kilala po nila ang nasa hope facilities at ‘yung mga nakauwi na po dito sa amin.”

Dahilan ng pagbabahay-bahay

Ayon kay Lutenant Colonel Florian Reynaldo ng QCPD Station 1 ay sinabi nito na hindi naman umano pinipilit ng mga ito ang mga residente na magpa-swab testing. Ini-inform at ini-state din umano sa mga residente kung bakit kailangan nilang sumailalim sa nasabing test at ito ay dahil exposed diumano ang mga ito sa isang nag positibo sa nasabing lugar. Ayon pa dito, napilitan na umano ang barangay na magbahay-bahay dahil marami ang hindi sumang-ayon na magpa-test.

Ang Pagbabahay-bahay- COVID-19
Photo Credit: Youtube

Aniya Reynaldo,

“Hindi naman po sila pinipilit. Ini-inform sila at ini-state po sa kanila na bakit kailangan sila mag-swab. Dahil exposed po sila sa nag-positive na patient.”

Reklamo ng mga residente

Ayon sa ilang mga residente ng nasabing lugar, dahil sa pagsama ng mga pulis sa pagbabahay-bahay ay nagresulta ito ng pagkatakot sa maraming mga residente. Ang reklamo pa nang ilan sa mga ito ay sumailalim naman diumano sila sa ginawang rapid testing, kaya’t kinikwestiyon ng mga ito na bakit kailangan pang magbahay-bahay para sa panibagong test.

Reklamo Ng Residente- COVID-19
Photo Credit: Youtube

Depensa pa ng ilang mga residente, nag negatibo naman diumano sila sa naunang rapid test na ginawa sa kanila.

Samantala, inextend pa ng isang linggo ang special concern lockdown sa nasabing lungsod para sa dagdag na PCR testing.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: