Press "Enter" to skip to content

Paghimay Sa Tunay Na Dahilan Ng Pagsara Ng ABS-CBN – Attack On Press Freedom Nga Ba?

Nagulantang ang sambayanang Pilipino nang umugong ang balitang nagsara na ang ABS-CBN. Ito daw ay opisyal na nag off-air ng 7:52 kagabi.

Bakit nagsara

Sa pagsasara nito, marami ang spekulasyon at pamimintang. Kabikabilang opinyon ang inilalabas ng mga tao sa kanilang social media. Pero kung titingnan ang mga pangyayari, matatandaan na matagal nang nakabinbin sa kongreso ang pagrerenew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Paghimay Sa Tunay Na Dahilan Ng Pagsara Ng ABS-CBN - Attack On Press Freedom Nga Ba? 2

Nitong May 5, opisyal na hinainan ng order ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN na itigil ang broadcast ng kanilang network. Ayon dito, wala na daw valid congressional franchise ang ABS at nagexpire ito ng May 4.

“Upon the expiration of RA 7966, ABS-CBN no longer has a valid and subsisting congressional franchise as required by Act No. 3846,”

Ano ba ang ganap?

Ipinaglalaban ng mga tao ang mga kawawang empleyado na mawawalan ng trabaho pati nadin ang pangguilt-trip dahil may COVID-19 bakit ang pagpapasara ang inaasikaso.

Una, nakasaad sa 1987 Constitution ng Pilipinas na bawal magmay ari ang isang foreigner ng mass media company dito sa bansa natin. Nalabag ito ng ABS.

Pangalawa, nakasaad din sa Constitution na nasailalim ng jurisdiction ng Congress ang pag rerenew ng franchise ng mga mass media.

“Although this legislative power may be delegated to administrative agencies through a law, at present, there is no such law giving the NTC or any other agency the power to grant franchises to broadcasting entities.”

Samakatuwid, nasa Congress ang desisyon ng pagbibigay ng renewal order. Ayon sa isang Philippine Supreme Court decision noong 2003, hindi maaaring magissue ng permit ang NTC na walang legislative backing mula sa kongreso.

Kusang nagsara

Ayon sa NTC, binigyan ng 10 days o sampung araw ang ABS-CBN upang sumagot sakanilang inihain na order, ngunit minabuti na ng malaking istasyon na kusang magsara kagabi.

Paghimay Sa Tunay Na Dahilan Ng Pagsara Ng ABS-CBN - Attack On Press Freedom Nga Ba? 3

Huling ipinalabas ang news program ng network na TV Patrol kung saan nagbigay ng speech ang President at CEO nila na si Carlo Katigbak.

Matapos ito, ang new anchor nila na si Noli De Castro naman ang nagbitaw ng huling salita. Ito daw at press freedom at hindi daw sila titigil at mananahimik.

Paghimay Sa Tunay Na Dahilan Ng Pagsara Ng ABS-CBN - Attack On Press Freedom Nga Ba? 4

“Hindi kami mananahimik sa pag-atakeng ito sa demokrasya at sa malayang pamamahayag… Hindi namin kayo tatalikuran.”

Sa official statement ng istasyon, binanggit nito ang mga empleyadong mawawalan ng trabaho at ang virus na kinakaharap ng mundo ngayon.

“Millions of Filipinos will lose their source of news and entertainment when ABS-CBN is ordered to go off-air on TV and radio tonight (5 May 2020) when people need crucial and timely information as the nation deals with the COVID-19 pandemic,”

“This is in compliance with the cease and desist order issued by the National Telecommunications Commission (NTC) today that prohibits ABS-CBN from continuing its broadcast operations effective immediately,”

Walang kinalaman ang presidente

Sa pagsasara ng ABS-CBN, samu’t saring pamimintang ang ibinabato ngayon sa kasalukuyang administrasyon na siya naman pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon sakanya, tanging ang NTC lang daw ang may hawak ng desisyon.

Dagdag pa nito, hindi daw pedeng impluwensyahan ng presidente ang NTC.

“Aantayin po natin ang sagot ng NTC. Ang desisyon po ng NTC ang ipapatupad ng Presidente. Hindi puwedeng impluwensiyahan ng Presidente ang NTC.”

Sinabi rin nito na maari naman daw ubusin ng ABS-CBN lahat ng maaring hakbang upang lumaban.

“ABS-CBN is free to exhaust all legal remedies available to it,”

Pagatake sa Malayang Pamamahayag

Sa isyu na ito na pagpapasara ng istasyon, marami sa kanilang new anchor ang nagbabanggit na inaatake daw ang kanilang press freedom.

Ngunit tanong naman ng iba ay kung press freedom ang inaatake, bakit may Facebook, Twitter, IG, at ibang istasyon padin?

Isang paglilinaw din na hindi naman magsasara ng tuluyan ang ABS-CBN. Mawawalan lang sila ng access sa free frequency ng bansa at kinakailangan lumipat sa paid o ang tinatawag na cable channels.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: