Press "Enter" to skip to content

Paghuli Ng Pedicab Sa Agham Road, Nauwin Sa Sagutan

Mga residente sa Agham road at mga miyembro ng Task Force Disiplina ng Quezon City nagkasagutan matapos subukang hulihin ang mga pedicab na nakahambalang sa kalsada kahit na may order na ng enhanced community quarantine.

Paghuli Ng Pedicab Sa Agham Road, Nauwin Sa Sagutan 2

Tuloy ang pamamasada

Isang residente, na asawa ng isang pedicab drayber, ang galit na galit na nakipagtalo sa mga miyembro ng Task Force na nanghuhuli. Ayun sa kanya:

“Nagsisimot ng pasahero ang asawa ko, para makakain, walang bigas, pano yan? Lockdown nga paano? Magbigay si Mayor … Kawawa dito walang malamon … Tulad ngayon, wala kaming bigas ngayon o. Kalokohan yan, maraming nagugutom dito.”

Para sa kaligtasan

Nagpaliwagan naman ang mga nanghuhuli na para sa kaligtasan din ng lahat ang kanilang ginagawa. Ayun sa kanila, simula ng ipinatupad ang enhanced community quarantine sa buong Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19 ay ipinagbabawal na ang mga pedicab sa mga bangketa. Baka daw kasi may mga pasahero sila na nahawa na pala, at mahawa rin sila.

Paghuli Ng Pedicab Sa Agham Road, Nauwin Sa Sagutan 3

Nasaan si Mayor

Hindi naman daw nila gustong lumabas kung may makakain lang sila sa kanilang bahay. Ano na daw ang ginagawa ng kanilang mayor para matulungan sila sa kalagayan nila ngayon?

Naiintindihan naman umano nila na bawal, pero wala silang magagawa dahil kailangan din nilang pakainin ang kani-kanilang mga pamilya. Mahirap naman pag hindi sila lumabas at magtrabaho dahil gutom ang aabutin nila.

Reaksyon ng mga netizens

Umani ng sari-saring reaksyon sa mga netizens ang pangyayaring ito. Ayun sa isang netizen na si Sophia Bendecio,

“Bigyan nyo kac ng maaus na tulong, tingnan nyo situation nila isang kahig isang tuka lang mga yan, cla ung dapat inuna sa tulong.”

May mga nagsasabi rin na hindi raw kasi naiintindihan ng mga taong ito kung gaano kalubha ang sitwasyon. Kulang sa impormasyon mula sa lokal na gobyerno. Mas importante pa rin ang buhay. Hindi natin nakikita ang kalaban.

Source: SMNI News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: