Press "Enter" to skip to content

Pagkansela Ng Mga Order Sa Mga Food Apps, Ipinag Babawal Na!

Last updated on June 9, 2020

Naghain si Alfredo Garbin Jr Bicol party-list Representative ng House Bill 6958. Ito ay ang “Food and Grocery Delivery Services Protection Act,” na naglalayong proteksyunan ang mga indibidwal na kabilang sa mag serbisyong nag hahatid ng mga pagkain o groceries.

Ang panukalang batas

“Nais ng panukalang ito na protektahan ang mga rider ng food at delivery services companies katulad ng Grab Food, Lalafood, at Food Panda mula sa mga prankster at mga tao na basta basta na lamang nagka-cancel ng kanilang order na ang resulta ay ang pagkasayang sa oras at pagkawala ng puhunan ng mga riders,” Ayon kay Garbin.

Pagkansela Ng Mga Order Sa Mga Food Apps, Ipinag Babawal Na! 2
Photo Credit: GMA News

Dagdag pa niya,

“Sa panahon ngayon, napakahalaga ng mga riders na nais nating proteksyonan. Sila ay masasabing mga bagong bayani sapagkat sila ay nakikipagsapalaran upang matulungan tayo na manatili sa tahanan at maiwasan ang COVID virus.”

Bill 6958

Sa ilalim ng panukalang batas, labag ang kanselahin nang customer ang nakumpirma ng order pagkain man o groceries. Lalo na’t ito’y nabayaran na ng rider o papunta na sa lugar na paghahatidan. Kasali sa mga mapaparusahan ang mga customer na gumagawa ng kalokohan o nag paprank, na wala talagang balak na kunin ang mga inorder. Ito ay nagdudulot umano ng malaking pinsala sa mga rider.

Pagkansela Ng Mga Order Sa Mga Food Apps, Ipinag Babawal Na! 3
Photo Credit: GMA news

Hindi naman kasali dito ang mga order na nahuli ng paghahatid sa mga customer ng isang oras mula sa takdang oras na napagusapan. Maliban na lamang kung nauna ng masabihan ang customer sa pagkaantala nang delivery.

Kaparusahan

Ang mga indibidwal na mag kakansela ng kanilang mga order sa ilalim ng mga na nakasaad sa panukala, ay maaaring maparusahan ng anim hanggang 12 taong pagkabilanggo at multa ng P100,000. Samantala, ang mga pamamahiya o pagmamaliit sa mga rider ay maaaring magdusa ng sa kulungan ng anim na buwan hanggang anim na taon.

Pagkansela Ng Mga Order Sa Mga Food Apps, Ipinag Babawal Na! 4
Photo Credit: FILTIMES

Kinakailangan din ng mga customer na magbigay ng patunay na pagkakakilanlan at tirahan, sa pag sasign up sa mag food delivery app, website at iba pang mga food delivery platform. Ayon pa kay Garbin, “Nais ng panukala na ito na maging hadlang sa pang-aabuso sa mga rider natin na nagbubuwis ng kanilang sarili upang tayo ay maaaring manatili sa ating mga bahay nang hindi makakuha ng sakit na COVID.

Source:GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: