Press "Enter" to skip to content

Pagkuha Ng SAP Inabot Ng‌‌‌ Madaling Araw Maabot Lang‌ Ang Deadline

Isang araw mula ang itinalagang deadline ng palasyo sa pagkuha ng Social Amelioration Program o SAP, dumagsa ang mga tao sa kanya kanyang himpilan upang makakuha ng kanilang ayuda.

Social distancing no more?

Tila nabalewala ang utos ng social distancing kahit pa sa gitna ng COVID-19 pandemic dahil sa kagustuhan ng mga tao na makuha ang kanilang SAP.

Pagkuha Ng SAP Inabot Ng‌‌‌ Madaling Araw Maabot Lang‌ Ang Deadline 2

Dagdag pa dito, ayon sa report ng GMA, hindi na nga nasunod ang social distancing, nagtagal pa raw umano ang pagsisiksikan. Ang iba ay nagtagal pa hanggang hating gabi.

Nasaan ang mga ayuda?

Ang gobyerno ay nagtalaga ng ayuda para sa 18 million na pamilyang Pilipino. Ito ay naibahagi na sa mga LGU‌ noong April 3 pa.

Subalit isang araw bago ang deadline na ibinigay ng palasyo para sa first tranche, bakit kaya wala pang kalahati ang napapamigay sa mga tao?

Nawalan na ng control

Dahil gutom na ang mga tao, talagang nakipagsapalaran na silang pumila kahit maghapon para masiguro na makuha nila ang ayuda nila.

Pagkuha Ng SAP Inabot Ng‌‌‌ Madaling Araw Maabot Lang‌ Ang Deadline 3

Isa ang Lucena City sa mga hindi nakasunod sa social distancing. Bukod sa maghapon, ay natapos pa ang pamimigay ng madaling araw na.

Ayon kay P/Lt. Col. Romulo‌ Albacea na chief ng Lucena City Police, hindi na din daw nila nacontrol ang mga tao.

Karamihan ng mga tao nagpunta na kahit hindi pa talaga nila oras pumila upang makasiguro.

Hindi na rin naman nila pinauwi ngunit isa ito sa dahilan kung bakit nagtagal ang pila at nabalewala ang social distancing.

“Ang nasa 8,000 na tao ay hindi halos natin ma-control at talagang matigas ang ulo na gusto agad makakuha ng pera.”

Iba pang pasaway

Sa Malolos,‌ Bulacan ay nabalita din na hindi nakasunod ang mga tao sa utos na social distancing.

Pagkuha Ng SAP Inabot Ng‌‌‌ Madaling Araw Maabot Lang‌ Ang Deadline 4

May napabalita pa umanong tulakan na naganap sa Malolos para makuha ang pera.

Sa kabila ng ito, sa Bontoc, Mountain Province at‌ Datu Montawal, Maguindanao ay nakapagpamahagi naman ng SAP‌ng maayos at hindi sumusuway sa social distancing.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: