Press "Enter" to skip to content

Pagod Na Mga Pinoy Seamen Umayaw Na Sa Pag-extend Muli Ng Kontrata, Gusto Nang Umuwi

Filipino seamen sa Australia kasama sa mga umayaw na e extend muli ang kanilang kontrata sa barko at umapila sa ahensiya na palitan at pauwiin na sila.

“Downing of tools” ang bagong panlaban?

Paulit ulit pa rin ang panwagan ng mga seamen, na pansinin ang kahirapang tinitiis nila dahil sa kawalan ng crew change. At patuloy silang sumisigaw dahil sa sobrang kapaguran na ang dinaranas sa pagtratrabaho sa barko. Habang ang ibang mga seamen na hindi nakapag trabaho at stranded sa mga probnsiya nila, ay sumisigaw din na patrabahuin na sila muli para matustusan ang pamilya.

Pagod Na Mga Pinoy Seamen  Umayaw Na Sa Pag-extend Muli Ng Kontrata, Gusto Nang Umuwi 2
Photo Credits: Marine Log

Kaya, ang “downing of tools” na ba ang bagong paraan para pakinggan sila? Ang “downing of tools” ay pagtigil ng pagtrabaho para pwersahang himukin ang namamahala na bigyang tugon ang mga hinaing ng mga mangagawa.

Ang 2 barko na, Conti Stockholm at Ben Rinnes, ay kasalukuyang nasa Australian waters, ang nai-ulat na nag “tools down” ang mga crew. Kabilang dito ay mga Pinoy seamen. Kilala ang mga Pinoy sa kanilang kakayahang matiisin at mapagtimpi. Pero sa puntong ito, tila umapaw ang mga salop nila.

Pagod Na Mga Pinoy Seamen  Umayaw Na Sa Pag-extend Muli Ng Kontrata, Gusto Nang Umuwi 3
Photo Credits: Offshore Energy

Ano ang silbi ng pera?

Ang patuloy na pag extend ng kontrata ay pera na sana para sa mga masisipag na mga marino. Pero ayon sa kanila, anhin man ang pera kung buhay naman nila ang kapalit. Ang iba ay umaabot na ng 17 buwan sa barko at walang kapalit. Pumayag sila sa usapang extention dahil sa pandemya, pero hanggang ngayon ay walang naibalita kung kailan sila baba.

Sabi ni Dean Summers Coordinator ng International Transport Workers’ Federation (ITF) sa Australia,

“Let’s be clear: these tired and fatigued seafarers are simply exercising their human rights to get off these ships because governments like Australia refuse to address the issues around the crew change crisis. If Australia is happy to continue benefiting from global trade, from sending exports overseas and receiving essential goods, then Australia can’t treat the seafarers who ship those goods like our slaves.”

Pagod Na Mga Pinoy Seamen  Umayaw Na Sa Pag-extend Muli Ng Kontrata, Gusto Nang Umuwi 4
Photo Credits: Institute for Human Rights and Business

Isa ang Australia sa mga bansa na may mahigpit na protocols ng crew change, kung saan ang 14 days quarantine or self isolation ay ipinatutupad.

Naging makupad nga ba?

Ang International Transport Workers’ Federation (ITF), ay nangunguna sa pakikipagsulong sa mga karapatan ng mga seamen. At kamakailan ay inakusahan ng grupo ang Australia at Rusia dahil sa paghigpit sa kanilang mga boarders at sa seafarers. Kahit ang mga bansang ito ay malaki ang pakinabang sa mga barko na nagdadala ng mga produkto nila sa iba’t-ibang bahagi sa mundo.

Pagod Na Mga Pinoy Seamen  Umayaw Na Sa Pag-extend Muli Ng Kontrata, Gusto Nang Umuwi 5
Photo Credits: UCA News

Pope Francis, ipinagdasal ang mga seamen

Maging ang Santo Papa, si Pope Francis, ay kinilala ang kahirapan ng mga seamen, lalo na ang mga nasa fishing vessel. Dinadalangin niya ang mabuting kapakanan nila at sa kanilang mga pamilya.

Sabi niya,

“in these past months, your lives and your work have seen significant changes; you have had to make, and are continuing to make, many sacrifices. Long periods spent aboard ships without being able to disembark, separation from families, friends and native countries, fear of infection – all these things are a heavy burden to bear, now more than ever. You are not alone and forgotten”

Dagdag ng Santo Papa,

“Without the people of the sea, many parts of the world would starve.”

Source: Marine Insight

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: