Press "Enter" to skip to content

Pagpapalawak ng Irrigation System sa Pangasinan, Ipinagpatuloy Na!

Ibinalik na ulit ng National Irrigation Administration Ilocos regional office (NIA-1) ang operasyon ng proyekto na pinamagatang Agno River Irrigation System Extension Project (ARISEP).

Ang pagbabalik ng proyekto

Mula sa isang panayam kay NIA Regional Manager, Engr. Angelito Miguel, sinabi niya na nagpapatuloy na ang mga proyekto na may layuning palawakin ang San Roque re-regulating pond sa bayan ng San Miguel

Pagpapalawak ng Irrigation System sa Pangasinan, Ipinagpatuloy Na! 2
Photo Credit: National irrigation Administration

“Once the pond expansion is completed, we will no longer have to worry about the spillover when the pond goes full,” he added.

(“Sa araw na matapos ang pagpapalawak sa lawa, hindi na tayo mag-aalala sa pag-agos ng tubig kapag napuno ang lawa,” paliwanag niya.)

Ang first phase ng nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng PHP285 million na may sakop na 85 na ektarya. Ang lawa ay may kapasidad na humawak ng 5,000,000 cubic meter na tubig na manggagaling sa dam.

Dahilan sa naudlot na proyekto

Ang proyekto na ito ay sinimulan pa noong Septyembre sa taon na 2019, na nakatakdang matapos sana ng Hulyo sa taon na ito. Ngunit ito ay naudlot dahil sa nangyaring lockdown dulot ng COVID-19 kung saan maraming mga institusyon na nagsara at tumigil sa kani-kanilang mga operasyon.

Pagpapalawak ng Irrigation System sa Pangasinan, Ipinagpatuloy Na! 3
Photo Credit: Wikipedia

Pero ayon kay Engr. Angelito Miguel, ang proyekto ay nasa 75% na ang nagawa at tinatayang matatapos sa Septyembre o Oktubre sa taon na ito. Ang pagpaplano para sa second phase ng proyekto sa pagpapalawak ay itinakda sa Agosto, at tinatayang ito ay aabutin sa halaga na PHP300 million.

Tulong sa mga magsasaka

Ang proyekto na ito ay malaking tulong para sa mga magsasaka sa Pangasinan. Tinatayang 10, 557 na mga magsasaka ang makikinabang sa lawak na 2,894 na ektarya na bukid sa Eastern Pangasinan. Ang ilang irrigation projects ay nalalapit na rin ang pagtatapos, ang mga water canals sa bayan ng San Quintin, Natividad, at Umingan ay nakatadka rin na matapos sa taon na ito.

Dagdag ni Engr. Miguel, ang pangunahing bagay sa proyekto ay ang check-gate sa Barangay Bakit-bakit isa bayan ng Rosales, dahil kapag ito ay natapos ang check-gate ay magkokonekta sa Lower Agno River Irrigation System Improvement Project (LARISIP), sumunod ay sa bayan ng Alcala masasama na rin ang lugar na Cuyapo sa Nueva Ecija.

Ang check gate ng Bakit-Bakit ay magpapadaloy ng tubig sa Banilla River, na dadaloy sa Moncada, Tarlac. Kasama sa proyekto ng NIA ang libreng irrigation service sa mga bukirin na may walong ektarya pababa ang laki ng lupa.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: