Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na ang pagpaparehistro ng mga botante ay maibabalik sa Septyemre 1, hindi kabilang dito ang mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ang paghahandang ginagawa
MANILA, Philippines- Bilang pagsunod sa “new normal,” ang mangyayaring pagpapatuloy ng pagpaparehistro ng boto ay gagawin sa paraan na saan bibigyang kahalagahan ang kaligtasan ng mga tao. Ito ay ang obserba sa mga health protocol habang nagaganap ang pagpaparehistro.

Base sa COMELEC Resolution 10674, ipinaalam ng mga kawani nito na ang panunumbalik ng pagrehistro sa Septyembre 1, maliban sa mga nasa ECQ ay sisiguraduhin ang pagsunod sa mga protocol na makakatulong sa pag-iwas sa sakit at peligro dulot ng COVID-19.
Mga lugar na hindi napabilang
Ipinaalala ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, na ang pagpaparehistro ay magpapatuloy kapag ang lugar na mula sa ECQ o MECQ ay ibinaba sa General Community Quarantine (GCQ) o MGCQ, o kaya kapag ang quarantine protocol ay tuluyan nang itinanggal sa lugar.

Ito naman ay awtomaitkong masusupende naman kung ang mga lugar na nasa GCQ o MGCQ noong una palang ay naitaas muli sa ECQ o MECQ.
“As the Comelec opens voter registration, we are encouraging applicants to download the application form from www.comelec.gov.ph,” Jimenez said.
( “Kapag binuksan na muli ng COMELEC ang pagrerehistro ng botante, hinihikayat namin kayo na i-download ang application form sa www.comelec.gov.ph,” pahayag ni Jimenez.)

Ipinaalala ni Jimenez, na mas mabuti kung i-fill out ng buo ang application form sa harap na mga election officer. Ang pagrerehistro ay napagdesisyunan nilang ibalik at iayon ito sa new normal, na may health at preventive measure.
Ang araw at oras
Ang pagsusumite ng aplikasyon sa pagrerehistro ng botante ay maaaring gawin mula Martes hanggang Sabado, kasama ang mga holiday, sa pagitan ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa opisina ng Election Officer.
Ang nasabing opisina ay sisiguraduhin na limitado lamang ang makakapasok sa opisina bilang kaligtasan ng isa’t isa at ibabatay ang bilang sa laki at dami ng mga manggagawa na nasa opisina sa araw na iyon.
Pag-iingat na gagawin
Para sa kaligtasan ng mga mag-reregister at ng mga empleyado, magkakaroon ng “no face mask and shield, no registration” na patakaran sa mga lugar. Ipapaobserba rin ang physical distancing at pagkakaroon ng glass o mga plastic barrier.
Maglalagay din sila ng mga nakalaan na alcohol at hand sanitizer sa lugar para sa mga pupunta, titingnan ang kani-kanilang mga temperatura bago sila makapasok sa opisana, at hihimukin na magdala ng sarili nilang mga ballpen.
Source: Philstar
Be First to Comment