Ang social media platform na Facebook ngayon ay sinisiyasat na ang kinababahala ng mga netizens matapos makatanggap ng mga ulat ukol sa mga dumaraming fake accounts, isang ulat mula sa National Privacy Commission (NPC).
Kasalukuyang imbestigasyon
Sa isang pahayag, sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na ang ahensya ay nakikipag-ugnayan na sa Facebook upang imbestigahan nang mas malalim ang issue na ito.
Aniya,
“While the extent of these incidents are not yet fully determined at this time, we have been receiving reports from different sectors, mostly coming from academic institutions,”

Dagdag ni Liboro,
“We immediately brought this to the attention of Facebook. According to Ms. Clare Amador, Facebook Representative in the Philippines, they are already investigating this particular matter as well as other information on unauthorized FB accounts”,
Ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill
Nauna nang hinikayat ng University of the Philippines (UP) ang mga miyembro ng komunidad nito na mag-ulat ng mga peke o mga duplicate accounts sa Data Protection Office ng Facebook.
Nabanggit ng UP Office of the Student Regent na maraming mga ulat na walang laman, doble at pekeng mga account na nagdadala ng pangalan ng mga mag-aaral mismo sa UP at hinihinalang lumabas ang mga account na ito matapos umano mag-protesta ang mga mag-aaral ng unibersidad laban sa Anti-terrorism bill.

Ang kontrobersiyal na Anti-terrorism Bill ay hinihintay na lamang ang lagda ng Pangulong Rodrigo Duterte, matapos aprubahan ng House of Representative ang panukala sa ikatlo at pangwakas na pagbasa noong nakaraang linggo.
Maraming mga grupo ang nagpahayag ng kanilang opinyon sa iminumungkahing panukalang-batas, na nagsasabi na maaaring maabuso at mapagsawalang-bahala ang proteksyon sa karapatang pantao.
Payo upang labanan ang mga pekeng accounts
Sabi ni Liboro
“Meanwhile, the Privacy Commissioner has instructed Facebook to report its significant findings as soon as it becomes available,”
Ayon sa Facebook, ang mga account at mga pages na tumutulad sa ibang mga tao na sumasalungat sa kanilang community standards ay hindi pinapahintulutan sa platform.

Upang mai-report ang pekeng account, hanapin ang kahina-hinalang account o hilingin sa mga kaibigan na hanapin ito at i-click ang icon na may tatlong tuldok sa ilalim ng cover photo.
Kapag mag-rereport, piliin ang ‘Find Support or Report Profile’, pagkatapos sundin lamang ang mga panuto on-screen upang tuluyang maireport ang account.

Ang parehong payo na ito ay ipinahayag din ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na kasalukuyan ring nakatatanggap ng mga ulat ukol dito.
Hinihimok ng DICT ang mga tao na gawing pribado ang kanilang Facebook account, suriin at i-configure ang setting at gamitin ang mga security features rito, at iulat agad ang mga duplicate o dummy account sa Facebook.
Source: GMA News
Be First to Comment