Press "Enter" to skip to content

Pagsusuot ng Face Mask sa mga Tahanan, Ipinayo ni Año

Last updated on August 11, 2020

Ipinayo ni Interior Secretary Eduardo Año noong Lunes na magsuot ng face mask kahit nasa loob ng mga tahanan lalo sa mga pamilyang nahihirapang sundin ang social distancing sa kani-kanilang mga bahay.

Hawahan sa pamilya

Sa isang panayam, sinabi ni Año na ang bawat sambahayan ay mas makabubuting magsuot ng face shield gayundin ng face shield upang maprotektahan sila laban sa COVID-19. Binigyan-diin niya na ang hawahan ay nagaganap na sa loob pamilya.

Pagsusuot ng Face Mask sa mga Tahanan, Ipinayo ni Año 2
Source: GMA News Online

“Isipin natin ngayon ang transmission ngayon ay buong pamilya na, pami-pamilya… rich or poor talagang buong pamilya… ang pinaka-importante diyan kung talagang di nila maiwasan, magsuot sila ng mask. Advisable din ‘yung face shield diyan,” saad ni Año.

“Ang importante din ‘yung mga LGUs natin na kasama sa bahay, dapat maprotektahan sila. Dapat talaga magsuot sila ng mask, ‘yung mahihirap at kung pupuwede, lahat talaga magstay at home at kung may lalabas na isa, ito ‘yung dapat iwasan, bigyan ng distansya, lalo na ‘yung pumunta ng palengke o kaya galing sa trabaho, ‘yan ang dapat magsuot ng mask at itry niya na magkaroon ng distansya,” paliwanag pa niya.

Critical areas

Ito ay pagkatapos ibunyag ni chief implementer of the government’s COVID-19 response Secretary Carlito Galvez Jr. na maliban sa mga lugar ng trabaho, ang mga matataong lugar ay maari ding ituring na critical areas dahil sa hindi nasusunod ang social distancing sa mga lugar na ito.

Pagsusuot ng Face Mask sa mga Tahanan, Ipinayo ni Año 3
Source: Advocates

“Based doon sa data na nakita natin sa hospitals, ang contamination ngayon is not only by individuals, ngayon by families na. Nakita natin ‘yung vulnerability talaga sa workplace at saka ‘yung vulnerability ng mga informal communities na talagang hindi nag-o-observe ng minimum health standards,” banggit ni Galvez

Face shields

Samantala, hinihikayat din ni Año ang paggamit ng face shields hindi lamang sa mga pampublikong sakayan kundi sa mga pampublikong lugar din tulad ng palengke,ospital at quarantine facilities.

“Ito ay ine-encourage at puwedeng i-require sa lugar na maraming tao, for example ‘yung mass transport, mga establishments, mga isolation facilities, hospitals, sa mga palengke, sa mga work places, kung saan ‘yung maraming tao at hindi mo mamaintain ‘yung two-meter distance kasi dapat two-meter distance so makakatulong ‘yung face shield. Pero ang mga LGU naman, may kapangyarihang magpatupad, kung puwede lang huwag bigyan ng penalty, di katulad noong sa minimum health standards” ayon pa rin kay Año

COVID-19 update

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroon ng 129,913 COVID-19 infected, 67,673 gumaling at 270 namatay sa pandemic.

Pagsusuot ng Face Mask sa mga Tahanan, Ipinayo ni Año 4
Source: Pilipino Mirror

Ayon sa Department of Health, ang limang lalawigan na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ay ang Metro Manila (1,700 kaso), Laguna (169 kaso), Cebu (114 kaso), Rizal with (98 kaso), at Cavite (93 kaso).

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: