Browse By

Pagtaas Ng Presyo ng Bilihin, Hindi Dahil Sa Oil Price Increase

Ito ang tugon ni Usec. Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry sa mga katanungan kung magkakaroon din na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo nitong mga nakaraang araw.

Sinabi ni Castelo sa programang Saksi Sa Dobol B sa DZBB noong October 21 na wala silang natatanggap na request for price increase dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Photo Credits: Screengrabbed from Super Radyo DZBB Facebook Page

Paliwanang pa ng opisyal na nasa tatlo hanggang pitong porsyento lamang ng cost components ng manufactured food products ang paggamit ng petrolyo kaya kung magkakaroon man ng impact ang pagtaas ng fuel price ay sobrang liit lamang na hindi na ito pinapansin ng mga manufacturer.

Iba ang agricultural products sa manufactured food products

Ngunit nilinaw ni Castelo na magkaiba ang production ng manufactured food products sa production ng agricultural products tulad ng karne at gulay. Ang mga produktong agrikultural ay sariwa at kailangang dalhin sa pamilihan araw-araw kaya real-time ang impact ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga ito. Subalit ang agricultural products ay hawak ng Department of Agriculture at hindi sila maaaring pangunahan ng DTI.

Photo Credits: Screengrabbed from Super Radyo DZBB FB Page

Ang manufactured food products naman, ayon kay Castelo, ay iniiimbak pa muna sa mga bodega ng manufacturer o retailer pakatapos itong gawin at ibebenta matapos ang isa o ilang buwan kaya hindi agad-agad nararamdaman ang impact ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga produktong ito.

“If ever magkaroon ng malaking impact na hindi na kayang iignore yung cost of fuel, nakabantay pa rin ang DTI dahil we have suggested retail prices for basic necessities and prime commodities, may listahan tayo niyan. And then we validate the data submitted by manufacturers.”

USec. Ruth Castelo, DTI, October 21, 2021

ASF at presyo ng raw materials, dahilan ng taas presyo ng noche buena items

Kaugnay naman ng mga noche buena items na unti-unti nang nagsusulputan sa mga pamilihan, sinabi ni Castelo na nagkaroon na ng request for price increase ang ibang manufacturers ngunit hindi ito dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo kundi dahil sa African Swine Fever at pagtaas ng presyo ng mga raw materials.

Photo Credits: Screengrabbed from Super Radyo DZBB FB Page

“Merong mga hamon na mataas ang presyo, apektado siya dahil dun sa ASF, but not fuel. Kung meron mang tataas ang presyo, siguro maliit na maliit na porsyento. But the important thing is, we provide choices to the consumer. Kaya kami merong mga SRP eh, kasi to keep the prices low. Yung mga ibang mga premium products, kung itataas nila ang presyo nila, at least ang consumer, tayong mga ordinaryong mamimili, meron pa rin tayong mapapagpipilian na low price at high quality.”

USec. Ruth Castelo, DTI, October 21, 2021

Source: Super Radyo DZBB

Leave a Reply

Your email address will not be published.