Press "Enter" to skip to content

Pakatapos Isumbong Sa Pangulo, Mga LGUs Nag-unahan Sa Pag Approve Ng Mga Telco Tower Permits

Pagkatapos inireport ng mga Telecommunications companies, na pahirapan ang pagkuha ng permits sa mga LGUs para sa cell sites construction, ay umabot na sa 1,502ang aprobadong permits para sa mga towers, ayon kay Secretary Ano.

Eighty (80) LGUs

Sa report ni Interior Secretary Eduardo Año, 80 LGUs sa 1,930 na applications ng Touch Mobile and Globe Telecommunication, Smart Communication, Dito Telecommunity Corporation, and Huawei ang na approved. At nasa 428 ang classified as “pending” status.

Pakatapos Isumbong Sa Pangulo, Mga LGUs Nag-unahan Sa Pag Approve Ng Mga Telco Tower Permits 2
Photo Credits: Sunstar

Anti-Red Tape Authority (ARTA)

Tumulong din ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), at naglabas ng kautusan na sundin ang “rules of the Ease of Doing Business law” sa mga LGUs. Ang kapangyarihan ng ARTA ay nagmula sa Republic Act 11032, or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ayon sa ARTA, ang “seven-day deadline” ay naayon sa batas ng time limit for “complex transactions.” Ang naturang batas, ay nagsasaad na lahat ng government agencies ay kailangang sumunod sa 3 klase ng deadlines: 1.)Three working days for simple transactions, 2.)seven working days for complex transactions, at 3.) 20 working days for highly technical applications.

Pakatapos Isumbong Sa Pangulo, Mga LGUs Nag-unahan Sa Pag Approve Ng Mga Telco Tower Permits 3
Photo Credits: Attorney Mommy

Sabi ng ARTA, 11 mga comliance orders ang ipinadala ng ahensya sa mga local government units (LGU), kasama dito ang Puerto Princesa, Masbate, and Kalibo, pagkatapos nagsubmit ng listahan ang mga telecommunication and tower companies sa kanilang pending list of applications na kompleto na ng mga requirements.

Pakatapos Isumbong Sa Pangulo, Mga LGUs Nag-unahan Sa Pag Approve Ng Mga Telco Tower Permits 4
Photo Credits: Newstogo

PLDT may 200 towers at 6 “common towers”

Kaugnay nito, ang PLDT ay tuloy sa kanilang planong magpapatayo ng 200 towers at 6 nito ang “common towers.” Nagbabala naman si Information and Communications Technology Undersecretary Ramon P. Jacinto, at muling ipinawagan na limitahan ang pagpatayo ng common tower sa bawat telco company. Dahil may concern ang mga foreign companies sa policy at guidelines na nagpapahintulot sa mga telco sa pagpatayo ng comon towers.

Sabi niya,

“May questions pa rin d’yan ang mga malalaking investors. Kasi ang marunong lang ng common tower ay mga foreigner. May experience sila. Wala pa tayong common tower company dito na may experience.”

Pakatapos Isumbong Sa Pangulo, Mga LGUs Nag-unahan Sa Pag Approve Ng Mga Telco Tower Permits 5
Photo Credits: Walastech

Dagdag ni Jacinto, may foreign companies na nag sumite ng liham kay Secretary Gregorio B. Honasan, na nagsasaad na i improve ang mga guidelines. At sinabi din niya na ang IHS, isang South African firm, ay na backed out na, dahil sa isyung ito at nangamba na baka may susunod pa.

PLDT suportado ang common towers

Suportado ng PLDT ang common towers at ayon kay PLDT Public Affairs Head and Spokesperson, Ramon R. Isberto, mas lalo pang ma improve ang signal at connectivity sa bansa sa common tower. Dahil magkaroon ng mas secure, accessible at affordable ang connectivity.

“We recognize it is a common practice all over the world, and we are receptive and supportive of that policy as well. That is why we’ve already signed agreements with six tower companies, and we have an initial target rollout of about 180 to 200 cell sites.”

Pakatapos Isumbong Sa Pangulo, Mga LGUs Nag-unahan Sa Pag Approve Ng Mga Telco Tower Permits 6
Photo Credits: prweek

Ngayong nag luwag na ang mga LGUs sa mga permit, aabangan ng sambayanan ang mas magandang serbisyo sa lahat ng mga telecommuniations sa bansa pagkatapos ng Disyembre ngayong taon.

Source: Manila Times

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: