Press "Enter" to skip to content

Palakasan System? Pinipili Lang Daw Ang Bibigyan Ng Relief Goods Sa Isang Brgy.

Marso 23 ng ma i-spotan sa isang video ang paraan ng pagbibigay ng relief goods sa Brgy. San Bartolome Novaliches. At ito ay sinabing palakasan system kung saan pinipili lang daw ang binibigyan.

Palakasan System

Kuhang-kuha sa video na tila mga naka kulay green na t-shirt na kakilala lang ang nakakalapit sa nasabing sasakyan na may dala ng nasabing mga relief goods.

Palakasan System? Pinipili Lang Daw Ang Bibigyan Ng Relief Goods Sa Isang Brgy. 2

Kaya’naman ang ibang mga tao nakatayo at nagmasid na lamang. Nagbabakasali na tawagin at mabigyan ng nasabing mga ayuda. Ang ayudang ito ay para sa mga residente ng nasabing barangay.

Ayon pa sa post sila ay hindi makalapit maging ang isang senior citizen na naroon, dahil nagagalit diumano ang mga taong may dala ng nasabing ayuda. Kaya naman hanggang tingin na lamang sila.

Spotted

Samantala makikita  sa naturang video, na may isang lalaki na pabalik mula sa sasakyan at ito ay may bitbit ng relief goods. Mabilis na nakakuha ang lalaki ng hindi na kinailangan pang maghintay o tawagin.

Palakasan System? Pinipili Lang Daw Ang Bibigyan Ng Relief Goods Sa Isang Brgy. 3

Ayon pa kay Sir Raffy Tulfo na siyang nag upload ng video, kahiya-hiya umano ang barangay nila na ito sa ganitong sistema na ginawa. Kung kaya nakiusap siya na ipakalat ang video na ito sa social media.

Mga Kumento

Maraming netizen naman ang umalma at nagbigay ng kanilang kumento sa naturang video. Ang ilan sa mga ito ay nagsabing hindi patas ang ginagawa ng mga opisyal na ito.

Palakasan System? Pinipili Lang Daw Ang Bibigyan Ng Relief Goods Sa Isang Brgy. 4

“Dapat pantay lahat namn tau victima sa lupit Ng Covid19 ngaun wAg gnyn tangalin na Yan sa posstion baka may malala pa Jan gagawin nila Hindi mgandang example sa boong bayan.”

“Mga suwapang talaga 0o hindi na talaga nag bago ang mga ibang pilipino nakakahiya kayu”

Maaring tumawag o ipagbigay alam sa mga kinauukulan ng bawat barangay ang ganitong sistema. Nang sa gayon ay agarang maaksyunan at maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Narito ang nasabing video:

Paki kalat ang video Mga taga San Bartolome

Paki kalat ang video Mga taga San Bartolome..Nakakahiya Brgy natin Ang Brgy.San Bartolome Namimili sila ng bibigyan, Ang kakapal ng Muka nila mamili ng bibigyan,sila pa galit pag lumapit kami😤 kung para dito yan samin bakit ayaw nyo bigyan ang lahat Bulok ang Novaliches San Bartolome pati mga tauhan nyo mga bastos mga matatanda naghihintay abutan hindi binigyan😡

Posted by Raffy Tulfo Live Today on Monday, March 23, 2020

Source: Facebook


Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: