Press "Enter" to skip to content

Palasyo: Pagbubukas Ng Klase Sa Agosto 24, June 1 Enrollment, Tuloy Na!

Sa isang phone interview ay pinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24. Taliwas ito sa pahayag ng Pangulong Duterte sa isa sa mga nation address nito na hindi aniya ito papayagan ang pagbabalik sa klase ng mga bata hanggat wala pang bakuna.

Kasado na

Ayon kay Roque,

“Ang sigurado po, tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang isyu na lang, ano ang sitwasyon pagdating ng Agosto 24: ito ba ay sapat na para tayo ay mag-face-to-face [classes] o blended,”

Palasyo: Pagbubukas Ng Klase Sa Agosto 24, June 1 Enrollment, Tuloy Na! 2
Photo Source: Philippine Star

Papayagan umano ang face-to-face classes sa mga lugar na nalift na ang community quarantine. Ang mga area na inalis na sa ilalim ng community quarantine ay gagamit ng tinatawag na” blended learning.” Sa blended learning ay itatap ang posibilidad ng paggamit ng radyo, telebisyon, at internet bilang alternatibo sa pagtuturo.

Enrollment

Sinabi din ni Spox Harry Roque na tuloy na sa June 1 ang enrollment sa mga eskwelahan.

“Tuloy po iyan dahil hindi naman po pupuwedeng wala tayong preparasyon,”

Ang enrollment ay tatakbo sa buong buwan ng Hunyo na kung saan ay maaaring maisagawa physically o online.

No vaccine, no classes

Kamakailan lamang ay nagpahayag ng pagtutol ang pangulong Duterte sa paglunsad ng klase sa Agosto 24. Ayon sa presidente, hindi nito hahayaan na magdikit-dikit ang mga bata sa loob ng klase. Nanindigan ito na kung wala pang bakuna, hindi dapat ilunsad ang pagbubukas ng face-to-face classes.

Opinyon ng DOH

Ayon naman sa nakaraang Senate Virtual Hearing ay pinahayag ni DOH Secretary Duque na ligtas ang pagbukas ng klase sa darating na Agosto kung masusunod ang minimum health standards sa mga eskwelahan.

Tutol

Tinutulan ng maraming mga magulang at organisasyon ang pagtutuloy ng klase sa darating na school year. Nais ng mga ito na maglunsad ng mas komprehensibong plano upang maka-adapt sa “new normal” ang education system sa bansa habang wala pang bakuna para sa covid-19.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: