Press "Enter" to skip to content

Palengke Sa Isang Barangay Sa Antipolo Nagmistulang Fiesta At Deadma Sa Social Distancing

Hindi pa tapos ang lock down pero ang mga tao sa isang palengke ng barangay ay nagmukhang fiesta at deadma sa social distancing.

Fiesta Sa Palengke

Sa palengke ng Brgy. Mayamot sa lungsod ng Antipolo ang nakuhanan ng video na nag mistulang nag fiesta ang mga tao dahil sa kawalan ng social distancing.

Ito ay kuha ng isang residente habang namimili sa palengke sa nasabing barangay. Kuha ito nito lamang April 5, 2020.

Palengke Sa Isang Barangay Sa Antipolo Nagmistulang Fiesta At Deadma Sa Social Distancing 2

Galit Na Galit

Makikita din sa nasabing video na may galit na galit na nagsasalita. Tila nagpapaalala ito sa mga residente na huwag mag dikit dikit sa kanilang pamimili.

Ang tinig na ito ay mula sa isang namumuno sa kanilang barangay.

Palengke Sa Isang Barangay Sa Antipolo Nagmistulang Fiesta At Deadma Sa Social Distancing 3

Samantala, ang mga nasabing residente ay tila deadma lang sa galit na namumuno na pilit na nag sasaway sa kanila na dumistansya sa pamimili.

Kung kaya sabi sa naturang caption ng nag upload ng video na si Sesay Verias,

“HOY LAYO LAYO DAW! GALIT NA SI CHAIRMAN RICK”

Mayayamot

Sa dami at sabay sabay na pamimili ng mga tao ay talaga naman na mayayamot ang taong namumuno.

Maririnig sa video na sila ay pilit na pinaayos sa kanilang pamimili. Ito ay upang maiwasan ang posibleng pagkahawa sa sakit naCOVID19 na virus. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat patuloy na pag laki ng bilang ng mga biktima. Subalit tila bingi ang mga tao roon.

#Social Distance

Mandato ni Pangulong Rordrigo Duterte ang social distancing kasabay ng pagpapatupad ng enhance community quarantine. Ngunit tila naging kultura ng ibang pilipino ang magpasaway.

Palengke Sa Isang Barangay Sa Antipolo Nagmistulang Fiesta At Deadma Sa Social Distancing 5

Ang dahilan ng paglobo ng bilang ng nagpopositibo ay ang kawalan na ng disiplina ng mga tao. Lahat ng nangyayari sa sitwasyong ito ay hindi lamang lahat maaring maisisisi sa namumuno ng bawat barangay na nakakasakop.

Narito ang kabuuan ng nasabing video na inupload ni Sesay Verias:

HOY LAYO LAYO DAW! GALIT NA SI CHAIRMAN RICK 🤦

Posted by Sesay Verias on Sunday, April 5, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: