Press "Enter" to skip to content

Palusot.com Si Misis: “Kumain lang kami” “Na-hack ako” Matapos Mag SOGO Kasama Ang Lalaki Niya

Dumulog ang isang mister na si Efraem Ellana sa himpilan ni Idol Raffy Tulfo upang maghingi ng tulong hinggil sa panlalalaki ng misis niya na isang OFW.

Sa iba umuwi

Ayon kay Efraem, mula daw ng umuwi ang misis niya, hindi na daw ito nagpakita sakanila. Napagalaman pa daw niya na ang misis niya ay nagchachat sa mga kasamahan niya sa trabaho ng picture nila ng lalaki niya.

Bilang depensa naman, sabi ni Shiela ay hindi daw siya umuwi dahil alam niyang pagtatawanan lang siya. Sinabi pa nito na may balak sana siya umuwi kundi nagpa-Tulfo ang asawa niya.

Dagdag pa nito, na-hack daw ang account niya.

Kakaibang tagpuan

Isa sa mga litrato na ebidensya ni Efraem ay mukha daw nasa isang motel. Nang tinanong si Sheila, sabi nito ay isang oras lang daw sila at wala naman nangyari. Kumain lang daw sila at nagusap.

Tumikim lang daw

Kinabukasan, inimbita si Sheila sa studio upang mapagharap sila. Ayon sakanya, kausap niya yung lalaki dahil daw may problema ang kapatid niyang nasa Qatar at naghihingi siya ng tulong.

Palusot.com Si Misis: "Kumain lang kami" "Na-hack ako" Matapos Mag SOGO Kasama Ang Lalaki Niya 1

Dagdag pa nito, kumain lang daw sila ng grilled chicken at wala naman daw nangyari. Ayon pa sakanya, naiwan siya at umalis na agad ang lalaki.

Tuloy ang kaso

Para alamin ang kaso na pedeng isampa kay Sheila, tinawagan si Atty. Paul Castillo. Ayon sakanya, kahit hindi magkapatong, pero inamin at halatang nasa motel ang dalawa, maaari na itong gamiting ebidensya para magsampa ng adultery.

Palusot.com Si Misis: "Kumain lang kami" "Na-hack ako" Matapos Mag SOGO Kasama Ang Lalaki Niya 2

Ayon sakanya, kasama ito sa circumstantial evidence dahil hindi naman daw talaga magkakaroon ng litrato na magkapatong mismo.

Pagmamakaawa

Sa kabilang studio naman, sa off takes ng live. Makikita na nagmamakaawa si Sheila kay Efraem na patawarin nalang siya at wag na ipakulong.

Magkakaroon pa ng part 3 ang tagpong ito, pero panoorin niyo na ang dalawa:

Part 1:

Part 2:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: