Press "Enter" to skip to content

Palusot Ni Matinik Na Major, Di Umubra Kay Idol

Isang security guard ang dumulog sa himpilan ni Idol Raffy Tulfo para ireklamo ang isang pulis na nambugbog umano sakanya sa isang bar kasama ang lima pa nitong kainuman.

Lasing na engkwentro

Ayon sa kwento ni Feliz Cuestas, nagiinuman sila sa isang KTV bar nang makaengkwentro nila ang grupo ni P/Lt/ Sylbanus Abella. Hinarang siya nito nang papalabas na siya at papasok naman ang lasing na grupo.

Palusot Ni Matinik Na Major, Di Umubra Kay Idol 1

Tinanong daw nito kung bakit may two-way radio siya, pulis daw ba siya. Ayon kay Felix, nang sagutin na na security guard siya bigla nalang siya sinapak ng pulis at di pa nakuntento ilan pang suntok ang binato sakanya.

Maling pagiimbestiga

Dagdag pa ni Felix, nang dalhin sila sa istasyon ng pulis, imbes na matulungan sila ay binugbog pa uli siya.

Palusot Ni Matinik Na Major, Di Umubra Kay Idol 2

Tinawagan ni Idol si P/Major William Homoc upang maghingi ng update sa kaso ngunit walang naibigay na matinong sagot ang major. Una, may sakit daw siya at ibinilin niya lang sa tauhan niya ang pagiimbestiga. Ngunit nalaman ni Idol na ang pinagbilinan niya ay mga under kay Abella, kaya natural, hindi magiging patas ang imbestigasyon.

Walang aksyon

Dito na nagsimulang mainis si Idol dahil halatang walang aksyon na ginawa ang major. Nadulas pa umano ang major na hindi man lang nila dinisarmahan si Abella pagdating.

Dagdag pa dito, nagpalusot si major na nagissue siya ng memorandum, ngunit sumabat si Idol at sinabi na wala naman daw maitutulong yung memorandum na yun.

Wala pa rin

Matapos ni Major, tinawagan naman si P/Col Roderick Mariano ng Cebu PNP upang humingi ng update. Ayon dito, hindi din daw nakaabot ang balita agad sakanila.

Tinanong ni Idol kung pede daw bang isuspinde si Abella at ang lima pa nitong kasama. Subalit sabi ni Col, hindi pa daw niya alam kung sino sino ang mga ito.

Sa huli, pinangako ni Col na gagawan ng aksyon ito.

Sermon ni Idol

Sa huli, sinermunan naman ni Idol si Homoc na dapat sa susunod i-relieve na agad pag naulit pa ito, para hindi siya mabutasan.

Palusot Ni Matinik Na Major, Di Umubra Kay Idol 3

Bago matapos ang segment, napagalaman na kasama pala si Major sa nambugbog kay Felix.

Palusot Ni Matinik Na Major, Di Umubra Kay Idol 4

Panooring dito ang video:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: