Press "Enter" to skip to content

Pamamaga Ng Mga Daliri O Covid Toes Isang Sintomas Ng Sakit Na Corona Virus Ayon Sa Mga Eksperto

Ayon sa pagaaral, bukod sa mga karaniwang sintomas tulad ng lagnat, pamamaga ng lalamunan, pagkawala ng amoy at panlasa  at iba pa, ay may ilang mga eksperto ang nagsisimula ng maghinala na ang “Covid toes ” ay maaaring isa pang tanda ng pagkakaroon ng impeksyon na coronavirus.

Paunang sintomas

Nailathala sa isang article ng the New York Times, na  sa obserbasyon ng isang dermatologist sa San Francisco na si Dr. Lindy Fox, bago pa  man magsimula ang  COVID-19 out break ay dati na niyang nakikita na may apat o limang pasyente na mga bata ang mayroong masakit, namumula at namamagang mga dailiri sa paa na nakukuha sa malamig na hangin o sa taglamig.

Pamamaga Ng Mga Daliri O Covid Toes Isang Sintomas Ng  Sakit Na Corona Virus Ayon Sa Mga Eksperto 2
Photo Credit: GMA News

Ngunit sa pag kalipas ng mga  linggo, ay dumami ang may sintomas nito ayon sa kaniya. “All of a sudden, we are inundated with toes,” saad ni Dr. Fox. Bigla nalamang dumagsa ang mga pasyente na may mga Toe lesions o namamagang mga daliri sa paa. “I’ve got clinics filled with people coming in with new toe lesions. And it’s not people who had chilblains before  they’ve never had anything like this.” Dagdag pa niya.

Pangalawang patunay

Hindi lamang si Dr. fox ang nakapansin nito kundi pati narin si Dr. Esther Freeman, isang direktor ng global health dermatology sa Massachusetts General Hospital. Sinabi nitong dumami rin ang kaso ng mga pasyente sa kaniyang klinika. 

Pamamaga Ng Mga Daliri O Covid Toes Isang Sintomas Ng  Sakit Na Corona Virus Ayon Sa Mga Eksperto 3
Photo Credit: The New York Times

Kaya naman ayon sa kaniya, ay kinailangan niyang magdagdag pa ng sesyon para sa mga pasyente. “completely full of toes. I had to add extra clinical sessions, just to take care of toe consults. People are very concerned,” Ayon sa NYT.

Kasama sa mga sintomas

Sa bansang China naman kung saan unang ang naging sentro ng COVID-19 outbreak, isang tweet mula sa People’s Daily ang nagsasabi na ang mga researcher ay naniniwala na ang pagkakarron ng mga pamamaga ng daliri sa kamay o paa man ay dapat na gawing isang pangunahing dahilan sa patingin ng sintomas ng Corona virus.

Pamamaga Ng Mga Daliri O Covid Toes Isang Sintomas Ng  Sakit Na Corona Virus Ayon Sa Mga Eksperto 4
Photo Credit: Twitter

Ayon sa mga researcher umaasa sila na ang pagaaral na ito ay makakatulong sa mga doktor na maintindihan ang pagkakaugnay ng virus sa sakit sa balat na ito. Nais nila na sa pamamagitan ng pagtingin sa sintomas na ito, ay makatulong upang maagang matukoy ang sakit na Corona virus, ulat mula sa Journal of the American Academy of Dermatology.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: