Press "Enter" to skip to content

Pamamahagi Ng 2nd Trance Ng SAP, Aabot Pa Nga Ba Sa Agosto?

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista nitong Martes, ika-21 ng Hulyo, na layunin ng ahensya na tapusin ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa lalong madaling panahon.

Ang pagsisikap  ng ahensya

Ani Sec. Rolando Bautista sa nakaraang live-streamed program ng ahensya, bagamat nagkaroon ng delay ang pamamahagi ng SAP, inaasahan na sa tulong ng Financial Service Providers (FSPs) ay matatapos ang pamamahagi ng ikalawang bahagi ng SAP sa huling araw ng Hulyo.

Pamamahagi Ng 2nd Trance Ng SAP, Aabot Pa Nga Ba Sa Agosto? 2
Photo Credit: PNA

Ipinahayag ito ni Bautista matapos mabigay ng pahayag si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pamamahagi aniya ng pangalawang bugso ng tulong pinansiyal ay tila mabagal.

Kasabay nito, inanunsyo ni Roque nitong Lunes na mayroon lamang 3,371,494 na pamilya mula sa target na 18 milyong pamilya pa lang ang nakatanggap ng nasabing tulong.

Dahilan ng pagkadelay

Ang tinuturong dahilan ni Bautista ay ang pagpapalit ng tauhan sa pamamahagi ng SAP. Noong una kasi ay kasama pa ang lokal na pamahalaan sa pamamahagi, ngunit ngayong pangalawang bugso ng SAP ay tanging DSWD na lamang ang namamahala sa distribusyon.

Pamamahagi Ng 2nd Trance Ng SAP, Aabot Pa Nga Ba Sa Agosto? 3
Photo Credit: Philippine Canadian Inquirer

Kasama pa rin sa mga tauhan ng DSWD ay ang mga pulis at militar sa mga lugar na apektado ng kaguluhan at ang tinuturing geographically isolated and disadvantaged areas o GIDA para sa masiguro ang kanilang transportasyon at seguridad.

Sabi ni Bautista,

“In terms of workforce and personnel, marami ang pwedeng gamitin ng LGU (the LGU can utilize many). But for the second tranche, DSWD ang nanguna sa pamimigay ng ayuda (DSWD led the distribution of aid for the second tranche) that’s why we used innovations like financial service providers (FSPs),

Hindi aabot sa Agosto

Sinabi ng DSWD sa iba’t ibang FSP na sundin ang protocol ng Inter-Agency-Task Force at magsagawa ng mga cashless transaksyon para sa kaligtasan ng mga tao.

DSWD SAP Update: Financial Distribution mas mapapadali gamit ang ...
Photo Credit: Youtube

Aniya,

“Gayunpaman hindi ganoon kabiis ang pag-adapt ng DSWD sa bagong innovation. Gayunpaman, pinagsisikapan ng ahesya ang agarang pagtapos ng pamimigay ng ayuda

Dagdag pa ni Bautista, para sa mga lugar na walang access sa internet, conflict-affected, kinilala bilang GIDA, o kung saan ang mga FSP ay walang mga katuwang sa pamamahagi ng pera, sisikapin nilang maipamahagi sa mga tao ang tulong pinansyal nang hindi aabot o lalampas sa ika-15 ng Agosto.

Source: PNA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: