Press "Enter" to skip to content

Pambansang Adbokasiya, Inilunsad Ng DILG At DOH Upang Labanan Ang COVID-19

Last updated on August 15, 2020

Magkasamang inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes sa Marikina City ang “BIDA ang may Disiplina: Solusyon sa COVID-19”, isang pambansang adbokasiya na naglalayong maikintal ang disiplina sa mga mamamayan sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Disiplina ang susi

Bilang bahagi ng kampanya, hinihikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government units (LGUs) na bumuo ng Disiplina Brigades sa lahat ng barangay sa buong bansa upang maenganyo ang mga residente na sumunod sa health standards ng komunidad.

Pambansang Adbokasiya, Inilunsad Ng DILG At DOH Upang Labanan Ang COVID-19 2
Source: Youtube

“Ang laban kontra COVID-19 ay hindi lang laban ng pamahalaan, ito po ay laban ng bawat Pilipino na maaaring mabiktima ng sakit na ito kaya sa pamamagitan ng ‘BIDA ang may Disiplina’ ay hangad ng DILG at DOH na iparating sa mga mamamayan na ang susi sa pagsugpo sa virus na ito ay disiplina at pagsunod sa mga tamang asal.”

Dinagdag pa niya, sa pamamagitan ng sabay-sabay at sama-samang pagkilos ay mapagtatagumpayan natin ang laban kontra COVID-19.

Disiplina Brigade

Ayon kay Año, ang brigada ay dapat binubuo ng mga community helpers, kasama ang mga barangay tanod, na magpapaalala sa kanilang mga kabarangay at mga kaibigan sa minimum health standards at tatawag sa atensyon ng mga lumalabag sa protocol.

Hinihiling ng DILG chief ang suporta ng LGUs sa bagong kampanyang ito upang maisulong ang disiplina bilang new normal at magkaroon ng ‘behavioral change’ upang maiwasan ang hawahan.

New normal

Nanawagan din si Año sa mga panlalawigan, panlungsod, pambayan at barangay sanggunian na gumawa ng mga ordinansa na magpapatupad ng disiplina sa pagsunod sa mga health safety standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pambansang Adbokasiya, Inilunsad Ng DILG At DOH Upang Labanan Ang COVID-19 3
Source: ptvnews.ph

“Malaki ang bahagi ng mga mamamayan sa kampanyang ito ngunit ito ay magiging matagumpay lamang kung mahusay po itong mapangungunahan ng ating mga pamahalaang lokal.”

Ang nasabing kampaya na mula sa pagtutulungan ng DILG at DOH ay naglalayong mahikayat ang mga mamamayan na makiisa sa pakikipaglaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa B.I.D.A: B – Bawal walang mask; I – I-sanitize ang mga kamay, iwas-hawak sa mga bagay; D – Dumitansya ng isang metro; and, A – Alamin ang totoong impormasyon.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: