Press "Enter" to skip to content

Pambihirang Mayor Emeng! Namigay ng 50 Kilos Ng Bigas Kada Bahay

Last updated on March 30, 2020

Umani ng papuri ang Mayor ng isang lugar sa kaniyang mala Superman na pag aksyon sa pamimigay ng engrandeng relief goods sa kanilang lugar. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: bigas, manok na kaber, itlog at mga gulay.

Responsableng konsehal

Sa panahon ng krisis, ang mga naihalal na konsehal ay gumagawa ng paraan para matugunan ang pangangailangan ng lugar. Kagaya na lamang ng isang Mayor sa ciudad ng Gapan, Nueva Ecija. Dito matatagpuan ang si Mayor Emerson Pascual o mas kilala bilang si “Mayor Emeng” ng kaniyang mga nasasakupan.

Pambihirang Mayor Emeng! Namigay ng 50 Kilos Ng Bigas Kada Bahay 2
Source: Facebook

Ang kaniyang busilak na kalooban para sa kaniyang mga ka-baranggay ay maihahalintulad mo kay Mayor Isko Moreno ng Maynila at Mayor Vico Sotto ng Pasig na pawang magagaling din sa pag aksyon ng tulong sa kanilang lugar.

Biniyayaan ni Mayor Emeng ng tig 50 kilo na sako ng bigas ang bawat pamilya. Bukod pa diyan, namigay din siya sa bawat pamilya ng mga itlog, isang buhay na manok (bantrex) at mga sari-saring gulay.

Pasasalamat

Marami ang nagpa abot ng pasasalamat sa kani-kanilang social media account. Isa na nga dito si Aling Jojen Nillo. Ayon sa kanya,

“Maraming maraming salamat po mayor emeng pascual. Sana po lahat ng nanunungkulan ay kasing bait niyo hindi ung inuuna muna nila ung sarili nila bago ang mga nasasakupan saludo po kmi sau Mayor”

Pambihirang Mayor Emeng! Namigay ng 50 Kilos Ng Bigas Kada Bahay 3
Source: Facebook
Pambihirang Mayor Emeng! Namigay ng 50 Kilos Ng Bigas Kada Bahay 4
Source: Facebook

Ipinakita naman ni Aling Heicil ang kanyang natanggap na manok mula kay Mayor Emeng. Ani pa niya,

“Maraming maraming salamat po Mayor.

God bless you more ingat po kayo!”

Pambihirang Mayor Emeng! Namigay ng 50 Kilos Ng Bigas Kada Bahay 5
Source: Facebook

Ang ginawang tulong ni Mayor Emeng ay sinuklian ng pasasalamat ng mga tao. Ang donasyon na kanyang ginawa ay galing sa kanyang sariling sahod mula July 2016 hanggang March 2020. Ang kanyang sahod na nagkakahalaga ng 4.5 milyon, pati na rin ang sariling pera ng kanilang pamilya na higit kumulang 11.5 milyon ang kanyang ginamit sa donasyon.

Bigas para sa lahat

Ang Nueva Ecija na mayroong population na 110,000 at 34,000 na pamilya. Sila ay isa sa may pinaka malaking kontribusyon sa produksyon ng bigas. Ang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga tao doon.

Kaya naman naisipan ni Mang Emeng na bilhin sa mga magsasaka ang mga bigas ng sa gayon ay hindi na nila po-problemahin pa ang pag-angkat papuntang karatig na lugar para lamang mag benta.

Skedyul sa pagbigay tulong

Nakiusap naman si Mang Emeng na kung maari ay huwag munang lumabas ng kanilang bahay at hintayin lamang ang ayudang ibibigay ng sa gayon ay hindi mahawaan ng nakamamatay na Covid19 ang mga residente doon.

Pambihirang Mayor Emeng! Namigay ng 50 Kilos Ng Bigas Kada Bahay 6
Source: Facebook

Kahapon meron syang apat na baranggay na binigyan ng ayuda, eto ay ang mga sumusunod: Brgy Baluarte, Brgy Pambuan, Brgy Sto Cristo Norte at Brgy Sto Cristo Sur. Samantala ngayong araw na ito, naka skedyul siyang umikot sa walong barangay para personal na mag abot ng tulong pinansyal at makakain. Sa ganitong paraan, natutulungan nya lahat ng kanyang mga nasasakupan at para na din masigurado niya na lahat ng ito’y makakatangap ng relief goods.

Lockdown sa Gapan

Bagamat una ng nagpatupad ng lockdown si Mang Emeng sa kanilang lugar, hindi pa din naiwasan ang pagkaroon ng mga nag positibo sa Covid19. Ngayong araw, may naitalang dalawang bagong kaso ng biktima na nag positibo sa sakit.

Dahilan para magkaron ng kabuuhang bilang ng 6 na biktima. Samantala, sa buong Pilipinas naman ay may naitalang 1,418 ng kaso sa Covid19, 71 ang namatay at 42 naman ang naka recover na.

Narito ang nakakatutuwang video ng pamamahagi ng relief goods:

Brgy BalanteSpecial house to house delivery…Isang sakong bigas 50 kilos kada bahay…

Posted by Mayor Emeng Pascual – Serbisyo Publiko on Monday, March 23, 2020

Source: Facebook

One Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: