Press "Enter" to skip to content

“Pambili Ng Gamot,” Katagang Inilagay Ni Lolo Sa Kanyang Panindang Mga Gulay

Isang senior citizen na nagngangalang Aris del Rosario, ang nag-viral matapos makuhanan siya ng larawan na nagtitinda ng gulay sa Taytay,Rizal, at kasama rito ang katagang “Pambili ng Gamot (Maintenance) Operado” na nakalapag sa kanyang paninda.

Ang kumuha ng litrato

Mula sa ulat ni Cedric Castillo sa 24 oras noong Huwebes, nakilala ang netizen na kumuha ng litrato ni Lolo kung saan nagsimula ang pagiging viral niya. Siya ay si Roldan DC, nakita niya si Lolo at napukaw ang kanyang damdamin dahil halos nakaupo na ito sa lupa at ang itinitinda niyang mga gulay ay may kasamang nakasulat sa ibabaw.

"Pambili Ng Gamot," Katagang Inilagay Ni Lolo Sa Kanyang Panindang Mga Gulay 2
Photo Credit: GMA News

“Napansin ko po siya dahil sa kanyang edad na rin, sa kanyang tinitinda,” Ani ni Roldan.

“Sa mga katabi niya doon, siya po ’yung hindi masyadong mabenta, wala masyadong bumibili sa kanya.” Dagdag niya.

"Pambili Ng Gamot," Katagang Inilagay Ni Lolo Sa Kanyang Panindang Mga Gulay 3
Photo Credit: GMA News

Noong Huwebes, ang larawan ni lolo Aris na kung saan nagtitinda siya ay mayroon nang 6,000 na shares online. Maraming netizens ang napukaw ang damdamin at dahil doon may mga taong na nagtulong tulong upang makapangalap ng donasyon na maibibigay kay Lolo Aris.

Ang sulat na nilagay

Ayon kay Lolo Aris, kanyang inilagay ang pahayag na iyon dahil marami na silang nagtitinda sa palengke at dahil doon hindi na siya nalalapitan ng mga mamimili at hindi na siya nakakabenta. Naisip niya maglagay ng sulat na nagsasabing “pambili ng gamot,” dahil ito lamang talaga ang layunin kung bakit siya masikap na nagtitinda.

"Pambili Ng Gamot," Katagang Inilagay Ni Lolo Sa Kanyang Panindang Mga Gulay 4
Photo Credit: GMA News

Ipinihayag din ni Lolo Aris na hindi lagi ganoon ang kanyang kalagayan, sadya lamang noong 2017 ay inoperahan siya upang matanggal ang sobrang tubig sa kanyang baga. Noon ay maayos naman ang kita niya sa pagtitinda sa Divisoria, ngunit nagbago ito noong nagkaroon ng lockdown dulot ng pandemya.

Bago mangyari ang lockdown ay nabibigyan naman siya ng mga gamot at nagkakaroon ng sunud-sunod na check-up sa Taytay Emergency Hospital pero ito ay nahinto. Ang P3,000 na nakuha niyang tulong pinansyal ay ang ginamit niya upang makabili ng gulay at ito ay maibenta.

Ang pagtulong

Matapos maging viral ang kanyang larawan ay dumami ang mga taong nais tumulong sa kanya. Isa na rito si Ryan Cuenca, dahil naawa siya sa mga nararanasan ng mga tao dulot ng pandemya na kung saan nasa labas pa si Lolo at hindi inaalintana ang peligro ng virus.

"Pambili Ng Gamot," Katagang Inilagay Ni Lolo Sa Kanyang Panindang Mga Gulay 5
Photo Credit: GMA News

Hiniling ni Ryan na gumaling agad si Lolo at malagpasan ang kinahaharap niyang problema. Mula sa mga taong nagtulong-tulong nakalikap sila ng pondo na nagkakahalaga ng P32,000.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: