Press "Enter" to skip to content

Pambubugbog Ng Isang LGBT Sa Isang PWD/LGBT Sa Loob Ng Salon, Huli Sa Video!

Viral ngayon sa social media ang pambubugbog at sabwatan ng dalawang LGBT sa isang kapwa nito LGBT na PWD.

Puno ng galit ang post ng Facebook user na si Kawaii Kho at nagpakilalang kaibigan at kinakapatid ng biktima na si Apa o mas kilala bilang Linda Serrano. Si Serrano ay isang myembro ng LGBT at isa ring PWD. Sa post, sinabi nitong magkasabwat ang dalawang LGBT na syang nasa loob ng salon nang mangyari ang insidente. Ang pangyayari ay naganap sa isang salon sa Ma-a Buhangin, Davao City.

Pambubugbog

Sa video ay makikita ang LGBT member na nakasuot ng kulay dilaw na Tshirt. Maya maya pa, nang makaalis ang mga tao o kostumer sa loob ng salon ay makikita na binantayan nito ang pintuan upang maisagawa ang pambubugbog.

Pambubugbog Ng Isang LGBT Sa Isang PWD/LGBT Sa Loob Ng Salon, Huli Sa Video! 2

Ang isa namang LGBT member na kasama ng mga ito na nakasuot ng uniporme ang lumapit sa biktimang si Apa at binugbog ito. Hinablot ang buhok ng kawawang pipi at hinaltak sa sahig. Makikita naman na halos hindi makapanlaban ang biktima at nagawa na lamang umiyak. Habang nangyayari ang pambubugbog ng isang LGBT ay nanonood lamang ang ilang nasa loob ng salon.

Sabwatan

Matapos naman ang pangyayari, agad na umalis ang nambugbog. Habang ang LGBT member na nakasuot ng dilaw ay kunwaring tinutulungan at pinapatahan ang biktima.

Pambubugbog Ng Isang LGBT Sa Isang PWD/LGBT Sa Loob Ng Salon, Huli Sa Video! 3

Galit

Mensahe ng kaibigan ni Serrano,

“Hayop ka LGBTQ ka pa naman ,Nginginig ako at naluha ng napanuod ko videong ito na isang matalik kong kaibigan at kinakapatid kuna na isang PWD”

Pambubugbog Ng Isang LGBT Sa Isang PWD/LGBT Sa Loob Ng Salon, Huli Sa Video! 4

Aniya, binugbog nang walang kalaban laban ang kanyang kaibigan. Kung may kasalanan man umano ito, dapat ay ipinaintindi rito ang nagawa. Pakiusap nito ay sana ang mga kasama sa salon ang nag-adjust para sa biktima dahil isa itong pipi o PWD.

“Binugbog mo at wala manlang umawat at Tumolong, kinawawa at walang kalabanlaban si Apa , kong may kasalanan man sayo si APA Sana pina intindi mo at kayo na Sana mag adjust kasi pipi yong tao,”

Mabait na kaibigan

Pagpapatunay naman ng kaibigan ng biktima, mabait na tao aniya ang huli. Hangad din nito na sana man lamang ay pinaintindi at pinagsabihan sa maayos na paraan ang kanyang kaibigan dahil marunong naman ito umintindi kung may maling nagagawa.

Pambubugbog Ng Isang LGBT Sa Isang PWD/LGBT Sa Loob Ng Salon, Huli Sa Video! 5

“kilala ko si apa matalik kaming mag kaibigan nyan. Mukhang suplada pero mabait at mapagbigay yan , kahit may nagawa man cyang mali Sana pilit nyo ipa intindi mali nyang nagawa kasi nga Pipi yong tao, PWD yong tao kinawawa mo, kilala ko c apa nakaka intindi yan pag pinagsasabihan mo kong mali nagawa nya,”

Ipakulong

Hangad ng kaibigan ni Apa na makulong ang magkasabwat na LGBT member sa pambubugbog rito.

Pambubugbog Ng Isang LGBT Sa Isang PWD/LGBT Sa Loob Ng Salon, Huli Sa Video! 6

“Sana Makulong kyo ginawa nyo kaibigan ko na tinuring ko kapatid, mga hayop kayo, karma Sana kyo ginawa sa kanya, patulong naman share nyo ito para matulongan at makulong ang dalawang taong ito”

Source: Kawaii Kho

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: