Press "Enter" to skip to content

Pamimigay Ng Ayuda Sa Mga GCQ Areas, Ititigil Na

Kasabay ng unti-unting paglift ng lockdown ay sya rin namang pagtigil ng pamimigay ng ayuda sa mga low income families. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Laging Handa press briefing kahapon, Sabado.

Tapos na

Ngayong buwan ng Hunyo ay tapos na ang pamimigay ng ayuda sa mga low income families dahil na din sa pagpataw ng GCQ sa Metro Manila. Kaugnay nito ay maaari nang buksan ang maraming industriya at muling mabubuksan ang paggalaw ng ekonomiya. Pahayag ni Roque sa press briefing,

Pamimigay Ng Ayuda Sa Mga GCQ Areas, Ititigil Na 2

“Itong buwan ng Hunyo dahil lahat po tayo ay nasa GCQ [general community quarantine] na ay wala pong ayuda,”

2nd tranche

Ngunit, ang second tranche ng pamimigay ng SAP ay ipagpapatuloy para sa mga benepisaryong hindi pa nabibigyan sa mga lugar na nakailalim pa din sa ECQ at MECQ areas.

Paglilinaw nito,

“Lilinawin ko po, ‘yung pangalawang buwan ng ayuda sa SAP, 12 million po ‘yan, ibibigay pa rin doon sa mga nakatira sa mga lugar na nanatiling ECQ [enhanced community quarantine] or MECQ [modified enhanced community quarantine],”

GCQ sa Hunyo

Dahil GCQ na sa pagsisimula ng Hunyo, sinabi ni Spokesperson Roque na maaari pa din mag-implement ng istriktong lockdown rules ang mga lungsod o barangay. Ngunit, ang ‘stricter rules’ na ito ay dapat na otorisado ng IATF.

“Dapat merong pagsang-ayon ng local na IATF [Inter-Agency Task Force],”

Ayuda

Matatandaang naglaan ang pamahalaan ng 200-B na emergency package na syang ipinamigay sa mga low income families. Ang ayuda na ito ay magsisilbing tulong upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito sa gitna ng kinahaharap na krisis. Kaugnay din dito ang tigil trabaho na syang nagpabagal sa daloy ng ekonomiya sa bansa sa loob ng higit dalawang buwan.

Binabase sa minimum wage ang pamimigay ng ayuda na kung saan ay iniaalok ito sa dalawang package. Ang una ay ang 8k at ang ikawala ay 6k. Kalaunan ay naextend ang programang ito ng gobyerno na kung saan nadagdagan pa 5 milyong pamilya ang nabigyan ng ayuda.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: