Press "Enter" to skip to content

Pampanga Road Rage! Beastmode Na MultiCab Driver, Nambasag Ng Windshield!

Isang viral video ang kumakalat ngayon sa social media na kung saan ay kitang-kita kung paanong binasag ng isang galit na galit na lalaki ang windshield ng sasakyan ng isang netizen.

Viral

Sa Facebook post ng netizen na si Ericson Tan ay mariringgan ang isang lalaki na nagmamaneho ng multi-cab na galit na galit at pinagmumura ang isa pang car owner. Mula sa multi-cab ay bumaba ang isang ginang na nakabihis ng manager’s uniform ng isang sikat na fastfood chain.

Pampanga Road Rage! Beastmode Na MultiCab Driver, Nambasag Ng Windshield! 2

Siga sa daan

Sa video ay nilapitan ng ginang ang naagrabyadong car owner habang ang huli ay kumukuha ng video upang idokumento ang nangyaring insidente. Makikita ang driver ng multi cab na galit na galit at akmang lalapit pa sa naagrabyadong car owner ngunit pinipilit pigilan ng ginang. Nakikiusap naman ang ginang sa car owner at uploader na si Tan na huwag na ivideo ang nangyayari at makipagusap sa kanila.

Pampanga Road Rage! Beastmode Na MultiCab Driver, Nambasag Ng Windshield! 3

Binasag

Ganunpaman, tila hindi maidadaan sa maayos na usapan ang nangyari dahil sa naunang pagbasag ng galit na driver ng multi cab sa windshield ng kotse. Sa isa pang video ay makikita kung paano binasag ng beastmode na kuya driver ang windshield ng biktima. Kaya naman sa caption ng post ni Tan,

Pampanga Road Rage! Beastmode Na MultiCab Driver, Nambasag Ng Windshield! 4

“Grabe to si Kuya, binasag n nga windshield sila pa galit.”

Aniya, kung sino pa ang nakaagrabyado ay iyon pa ang galit na galit. Liban pa riyan, makikita sa huling parte nh video na humarurot paalis ang multi cab lulan ang galit na kuya at ang ginang.

Komento ng netizens

Naging tampulan naman ng biro sa mga komento ng netizens ang suot na uniform ng ginang na kasama ng kuyang beastmode. Anila, tila posibleng mawalan ng trabaho ang ginang dahil sa kinasangkutan nito na insidente. Hirit pa ng netizens, dapat masampolan ang lalaki dahil sa ugali nito at paninira sa sasakyan ng car owner.

Pampanga Road Rage! Beastmode Na MultiCab Driver, Nambasag Ng Windshield! 5

Source: Ericson Tan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: