Press "Enter" to skip to content

‘Panalo Na Tayo!’ Malacañang Nagbunyi Dahil ‘Di Umabot Sa 40k Ang Kaso Ng COVID-19 Sa Bansa Ngayong Katapusan Ng Hunyo

Last updated on July 2, 2020

Kahit pa sa kabila ng kasalukuyang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, na mayroong mahigit 36,000 positibong kaso, binati pa rin ng Palasyo ang publiko matapos hindi umabot sa 40,000 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng virus nitong huling araw ng Hunyo.

Panalo raw tayo

Nagbigay ng pagtataya ang reseach team ng University of the Philippines at sinabi na posibleng umabot ang COVID-19 cases sa 40,000 sa buong bansa ngayong pagtatapos ng buwan ng Hunyo.

Ngunit, sabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang televised briefing nitong Martes,

'Panalo Na Tayo!' Malacañang Nagbunyi Dahil 'Di Umabot Sa 40k Ang Kaso Ng COVID-19 Sa Bansa Ngayong Katapusan Ng Hunyo 2
Photo Credit: ABS-CBN News

“Panalo na tayo. We beat the UP prediction po. We beat it, so congratulations Philippines. Let’s do it again in July. We are winning,”

Nitong lamang Lunes, ang Department of Health ay nakapagtala ng mahigit 36,438 COVID-19 cases sa bansa, kasama na rito ang 1,255 na namatay at 9,956 na nakarekover.

Roque, napataas pa ng kamay sa galak

Ani ni Roque, hindi na talaga papatong sa 40,000 ang magiging kabuuang kaso kahit pa madagdagan ito ngayong huling araw ng Hunyo.

Dahil raw sa saya, napataas ang kamay ni Roque dahil hindi rin nangyari ang ipinahayag ng UP research team.

'Panalo Na Tayo!' Malacañang Nagbunyi Dahil 'Di Umabot Sa 40k Ang Kaso Ng COVID-19 Sa Bansa Ngayong Katapusan Ng Hunyo 3
Photo Credit: GMA News

Sa datos mula sa DOH ngayong Martes ng hapon, 1,080 ang bagong mga kaso ng COVID-19, kabilang ang 858 “fresh cases” at 222 ang “late cases.” Ngayon ay umabot na sa 37,514 ang kabuuang kaso sa ika-30 ng Hunyo.

Samantala, nadagdagan ng 11 na nasawi mula sa kabuuang bilang na 1,266, at 277 naman ang mga gumaling mula sa kabuuang bilang na 10,233.

Eksperto: 60,000 COVID-19 cases sa Hulyo

Sa kabilang pahayag, ang UP mathematics professor, Guido David, pasok sa tinatawag na margin of error of plus or minus 10 percentage points ang datos ng pamahalaan ayon sa pag-aanalisang kanilang isinagawa.

Gayunpaman, nagbabala pa rin ang research team na posibleng umabot sa 60,000 ang COVID-19 cases sa bansa, sa katapusan ng susunod na buwan.

Pinaalalahan ni Roque nitong Lunes ang publiko na patuloy na mag-ingat para hindi mangyari kung ano man ang sinasabi ng mga eksperto.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: