Press "Enter" to skip to content

Panatang Tulong Ng India Sa Pilipinas Laban Sa Covid-19, Selyado Na

Last updated on June 16, 2020

Bilang tugon sa lumalalang problema ng coronavirus disease 2019 o covid-19 nakita nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Prime Minister Narendra Modi na gamitin ang international and regional cooperation kung saan magtutulungan ang dalawang bansa laban sa sakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang halaga na gamot ang bansang India.

Pag-uusap

Nitong Martes ng gabi June 9, 2020 sa Presidential Guest House sa Panca, Davao City, nakatanggap ng tawag mula kay Prime Minister Modi ang ating Pangulong Duterte upang pag-usapan ang problema sa covid-19 na umabot ng 25 minuto.

Panatang Tulong Ng India Sa Pilipinas Laban Sa Covid-19, Selyado Na 2
Photo Credit: CNN Philippines

Sa kanilang pag-uusap na kung tawagin nila ay “engaging and productive” sinang-ayunan ng 2 lider na kailangan makipagpartner ang Manila at New Delhi upang labanan ang covid-19.

Panatang Tulong Ng India Sa Pilipinas Laban Sa Covid-19, Selyado Na 3
Photo Credit : Edarabia

Ayon pa sa Malacañang

The leaders reaffirmed their shared commitment to harness international and bilateral cooperation to effectively address the coronavirus pandemic.

Suportang gamot at kaalaman sa panggagamot

Binati ni Prime Minister Modi ang ating Pangulo sa maayos na pagpapatakbo nito sa gobyerno sa pagharap sa COVID-19 pandemic. Dahil dito sinisiguro niya na mabibigyan ng abot-kayang gamot at laging handa makipagtulungan ang India sa Pilipinas laban sa sakit.

Panatang Tulong Ng India Sa Pilipinas Laban Sa Covid-19, Selyado Na 4
Photo Credit: The Indian Express

Hydroxychloroquine

Isa ang Hydroxychloroquine sa mga gamot na puwede isupply sa Pilipinas ng India, ito ay malarial drug na pinag-aaralan upang gamiting panlunas sa COVID-19 at sa mga sintomas nito. Pinayagan ulit ang clinical trial nito ng World Health Organization nitong June 3 matapos masuspende dahil sa epekto nito sa puso.

Dagdag pa ng Malacañang

Prime Minister Modi likewise said that India is ready to extend all possible cooperation to the Philippines and that the Philippines will definitely benefit from the vaccine that India is developing.

Pagkakasundo

Pinuri ni Pangulong Duterte ang India sa naging desisyon nito na iexport ang kanilang pharmaceutical product bilang pagpapakita nito ng pagmamalasakit sa ating bansa sa pag-aalok nito ng tulong gaya ng abot-kayang halaga na medisina at kaalaman sa panggagamot sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ani pa ng Pangulong Duterte

commitment to cooperation and to good neighborliness

Panatang Tulong Ng India Sa Pilipinas Laban Sa Covid-19, Selyado Na 6
Photo Credit: The Times of India

Pinahalagahan ng parehong lider ang importansya ng pakikipagpalitan ng kaalaman at pamamaraan sa pagharap sa COVID-19. Bukod dito pinag-usapan din nila ang pagdadamayan sa repratriation o pagbabalik ng mga Pilipino at Indiano na naapektuhan ng COVID-19.

Good samaritan maituturing ang bansa tulad ng India na kung saan sa gitna ng covid-19 pandemic ay bukas-palad sa pag-aalok nito ng tulong na walang halong interes na pagsamantalahan ang paghihirap ng isang bansang tulad ng Pilipinas dulot ng sakit.

President Rodrigo Roa Duterte and Indian Prime Minister Narendra Modi committed to stronger international and regional…

Posted by Presidential Communications (Government of the Philippines) on Wednesday, June 10, 2020

Source: Presidential Communications (Government of the Philippines)

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: